Ups and Downs.

Ganun naman talaga minsan eh. Sa isang buong taon nandyan ang mga ups and downs ng buhay. Hindi ka laging nasa taas. Darating din ang panahon na aangat ang buhay mo. Tulad ko. Ang taong 2012 ang masasabi kong maraming ups and downs. Nandyan yung dumating sa punto na kelangan ko talagang mag part time job para makabayad ng pang exam ko. Nangungutang pa ako sa mga tita at tito ko para makabayad. Dumating din sa point na binenta ko ang iba kong gamit para kumita. Pero lahat ng yon eh para sa pag-aaral ko. Meron din yung nagkasakit papa ko at wala siyang trabaho. Nga-nga kaming lahat. Kaya nagawang tumanggap ng trabaho si mama bilang labandera at plantsadora sa mga kapit-bahay namin. Naging kusinera na rin ako ng isa sa mga kapit-bahay namin. Oo nga’t swerte kami sa bahay dahil malaki siya at komportable kaming lahat. Kinalimutan ko ang lovelife ko nun kasi sa sobrang daming problema at iisipin nakakalimutan ko na rin atang magka crush nun. At kung meron man di ko na din binibigyang pansin. Ultimong pambayad ng tubig,kuryente,bill ng telepono at cable eh prinoproblema ko pa. Buti na lang mababait yung mga kamag-anak namin. Ilang bwan na ganun ang sitwasyon namin. Pero sabi nga hindi habang buhay eh nasa ibaba ka. Kung magsisipag ka makakarating ka sa taas. Nagkaroon ng trabaho si papa. Umasenso kami. Pag-aaralin ako sa busan,korea. Sagana kami sa pagkain. Afford ang kahit anong bagay. Pag natamasa mo ang ganitong kaginhawaan na minsang naging mailap sa pamilya mo,syempre kahit papaano mag e-enjoy ka at eenjoyin mo ang mga to. Pero sabi ko nga nagdaan na kami sa hirap kaya alam din namin kong paano iingatan at lalagyan ng limitasyon lahat ng meron kami ngayon. Kapit lang kay god. Yun lang ang swerte namin.

Leave a comment