Monthly Archives: February 2013

Bakit nga ba ako nagba-Blog?

Dahil masaya ako at pakiramdam ko ay malaya ako. Hindi ako kumportable mag ingles dito dahil una sa lahat hindi ako ganun ka fluent at baka lalo kayong ma nose bleed dahil sa pag i-ingles ko sa kadahilanang hindi maintindihan. Pangalawa, hindi ako gumagamit ng mga malalalim na salita or kahit ano mang talinghaga. Dahil hindi naman ako professional writer at hobby ko alng talaga. Pero bakit nga ba ako nag b-blog? KASIYAHAN. Ito yung nararamdaman ko sa tuwing nagb-blog ako. Katumbas ito ng ligayang nararamdaman ko sa tuwing nakatatanggap ako ng mga regalo o di kaya’y yung feeling na nakuha ko na ang sweldo ko. Pangalawa, KALAYAAN. Kalayaan na ilabas ang feelings o mood na meron ka. Hindi mo kelangang makipag plastikan pa. Yung tipong ang sarap mag blog kapag inspired ka dahil sa relationship mo o di kaya’y may bumuo ng araw mo at dahil sa halos gusto ng sumabog ng puso mo sa sobrang saya at kilig ay diretso blog ka. Kasama na rin doon ang pagbibigay mo ng opinyon sa kung ano mang issue ang napagu-usapan. Pero sabi nga think before you click. Kaya ako nag b-blog ako dahil masaya at malaya ako. Yun naman ang mahalaga diba? Gawin ang nakapagpapasaya sayo? Pagb-blog ang isa sa mga nakapagpapagaan,nakapagpapasaya,nakapagpapa-aliw sa buhay ko ngayon.

 

 

.. “ang post na ito ay sagot sa Hoshi’s Blog Life Contest” ng kwentotpaniniwalanihitokirihoshi.wordpress.com”.

Advertisements

Date a Guy Who Knows How to Open a De Lata..

..without the use of an abrelata. Successfully opening a de lata without the aid of an abrelata manifests how madiskarte he is in facing situations that has no easy and usual solutions in sight – a trait that makes a man a good and responsible provider.

Date a guy who knows what an abrelata is. Knowing what an abrelata is reflects how fully aware he is in his surroundings, especially in their kitchen, which one day will be both yours – an assurance that he’s paying attention to little details, which is instumental in reaching goals.

Date a guy who knows how to cook rice…without using the rice cooker. Aside from being economically-practical, knowing how to saing-saing sa kalan requires waiting for the perfect time when to set the fire on high, medium, and low – which develops natural knowledge on the art of perfect timing. And that’s the most important thing in sexy time.

Date a guy who knows how to saing-saing in the kalan. It just manifests how well-focused he is despite doing something else. Otherwise, aside from overconsuming the LPG, the rice will get tutong-ized. This attitude shows how caring and responsible he still is to you despite separately living his life as a member of his family of origin and/or as an individual busy reaching his aspirations in life.

Date a guy who knows how to do things manually. In every harsh and complex situaion that we’re into, we often forget how to make things easy and simple. We often forget that what matters most is the basic: love. So date a guy whom you love. Leave the ‘get-to-know’ part in friendship.Treat the dating stage as sacred. Go through the right process, though it consumes much time and effort. Only then you will realize its true worth. Only then you will feel that it’s all worth it..

..just like what it feels after opening a de lata without the comfort and ease brought by the use of an abrelata.

Your so Inggitera.

— dapat makuntento tayo sa kung anong meron tayo. Mapa bagay man yan o mga tao na nasa paligid natin. Kung may gusto ka na isang bagay pero alam mo sa sarili mo na hindi mo talaga makukuha o hindi mo pa makukuha sa panahon na yon, tanggapin mo na lang. (Iwasan kasi ang pagiging INGGITERO AT INGGITERA.) Pagdating naman sa relationship status, kung wala talagang bf/gf,wag ipilit. Darating din yung tamang oras para dyan. Mahirap kasi pag pipilitin mo na magkaroon ng bf/gf, malay mo hindi pala siya ang right partner para sayo. Maging kuntento sa lahat ng bagay na tinatamasa mo ngayon, bigay yan ni Lord eh. Pasalamat kapa nga na kahit simpleng bagay meron ka,hindi tulad ng iba na walang wala talaga sa buhay. Ipagpasalamat ang meron ka. MAKUNTENTO!!!

Maging Praktikal.

Sabi nila ang pamilyang pilipino ay masaya. Kahit na mahirap ang buhay masaya naman. Kahit na maliit lang ang bahay na tinitirahan basta sama-sama,masaya. Yung tipong maliit lang ang bahay tapos anim o higit pa ang nakatira. Yung tipong nag asawa na si kuya/ate, nakatira parin sila sa parents nila. Oo,masaya. Kahit ako anim kami sa bahay namin. Syempre masaya lalo na pag sabay sabay kaming kumain. Pero maging praktikal din tayo. Oo nga masaya pag madami pero paano nyo matutustusan ang malaking pamilya ? Yung tipong sa dami ng anak hindi na kumakain si nanay at tatay, pero minsan di pa din sapat yun. Hindi naman masusukat sa laki ng pamilya ang kasiyahan na matatamo ng isang pamilya. Maganda pa ding tingnan ang isang pamilya na kahit konti lang sila at least malusog ang pangangatawan,malusog ang pag iisip. Mas masaya tingnan ang ganun. Kesa naman sa oo nga masaya kayo dahil marami kayo sa bahay pero hindi rin naman nakakakain ng sapat. Maging praktikal po tayo.

Ulan Issue..

Sabi ng ibang bata, “sana walang pasok bukas, sana suspended bukas, sana malakas ulan bukas.” Nung elementary at high school days ko,linya ko yan parati. Lumakas lang ang ulan kahit walang bagyo tutok na ako agad sa tv at radyo kung may announcement ang PAG-ASA. Dumating yung time dati na halos isang linggong suspended ang klase, syempre masaya ako nun. Hindi ako gigising ng maaga,kain tulog lang sa bahay. Pero bigla ko na lang na realize na,sino nga bang mahihirapan pag sinuspend ang klase? Hindi naman ang mga taga pag-asa o di kaya ang parents mo. Syempre tayo mismong estudyante. Mahirap kaya maghabol ng lessons, buti pa sana kung in just one day gets mo na agad yung lessons mo. Kahit papaano nakakapanghinayang pag na suspend ang klase. Isa pa dito eh kawawa din naman kung ipapanalangin pa natin na sana lumakas pa ang ulan, aba eh paano na yung mga kabahayan na lubog sa baha ? Malulubog lalo sila ? Tatagal pa bago humupa ang tubig sa lugar nila? ? Ang tanging magagawa natin ay magdasal.

Iba ang Dati sa Ngayon.

Dati wala akong pakielam sa love love na yan. Kahit nung elementary pa ako ay exposed na ako sa mga ganyang bagay. Lagi ko na lang sinasabi na “ang bata bata pa ninyo paglalandian na ang inaatupag nyo,eh yung grades nyo naaasikaso ba?” Sabi nila man hater lang daw kasi ako kaya ako ganun. Ewan ko din eh pero wala talaga akong pakielam sa mga love na yan, DATI. Nung highschool ako nandun na yung mga classmate ko eh magkakarelasyon din. Pagpasok mo sa umaga tatambad na lang yung mga mag syota na akala mo mga linta sa sobrang lagkit ng tinginan at yakapan. Pag wala naman si teacher lingon ka lang sa sulok andun sila naghahalikan. Pumi-pbb teens din sila. Naiirita ako sa ganun,kaya kadalasan nasa labas lang ako ng classroom tambay sa hagdan o di kaya sa hallway. Sabi naman nila,wala ka kasing bf kaya di mo pa nararamdaman ang kilig at landi factor. Hahaha xD Tama naman sila wala naman akong bf that time. Eh simula’t sapol namulat na ako a mundo na ang maganda ay para sa gwapo at ang pangit ay para sa pangit. Yun naman talaga eh. Pero Ngayon,iba na. Dun ko na naintindihan yung mga bagay na di ko lubos maunawaan dati. Masarap sa feeling na ramdam mo sa partner mo na safe ka sakanya,na mahalaga ka sa kanya,na karapat-dapat mo siyang pagkatiwalaan, na andyan lang sya parati sa tabi mo. Unti unti ko ng nauunawaan ang mga bagay-bagay na kinaiinisan ko dati. Siguro nga dati wala pa kasi akong partner para maramdaman ko ang nararamdaman din ng mga ka klase ko dati. And oo masarap talaga sa feeling. Ibang sarap tinutukoy ko ha! 

Simple lang naman gusto ko…

magkaroon pa ng maraming kaibigan. Yung tipong nasasabihan mo ng problema. Yung kaibigan na tanggap kung sino ako,kung anong pag-uugali mayroon ako. Marami kasing klase ang kaibigan. Mayroong kaibigan sa kasiyahan,kaibigan pag may kailangan sayo,kaibigan pag may makakasama at makakausap. Para kasi sa akin ang kaibigan eh yung tao na nasa likod mo lang pag depressed ka at magpapalakas ng loob mo. Siya yung taong hindi mag aatubiling magsabi kung tama ba o mali ang ginagawa mo. Yung taong tutulong sayo ng walang kapalit,taong mait-treasured mo habang ika’y nabubuhay. Makakahanap kaya ako ng ganyan ?