Tag Archives: true story

Nanay na si nene.

“When a teen has a child a chapter of your life will end, but a even more amazing one will begin.”

Emerald. Siya yung pinsan ko sa side ni papa. Kaisa-isang anak lang yan ng tito ko. Spoiled brat siya. Pero sa lahat ng pinsan siya yung super close ko kasi siya yung unang pinsan na nakilala ko sa side ni papa. Besides magkalapit lang kami ng house. Mas matanda ako sa kanya. Labing anim na taon pa lang siya. Mabait yan. May pagka suplada nga lang. Pero kahit close ko yan may pagka malihim din. Kung hindi ko pa ppwersahin na magkwento hindi pa magsasalita. Magkapatid ang turingan namin kahit na kadalasan kaming magtalo dahil sa pagiging suplada at pilosopo niya na isa sa mga ayaw ko lalo na kapag naguusap kami ng seryoso. Isa sa mga istorya niya na sinubaybayan ko ay ang lovelife niya. Halos dalawang taon na sila ng first bf niya. Lagi ko siyang pinapaalalahanan though naiintindihan ko din siya dahil nagdaan na ako sa ganoong stage na bata pa lang ay may bf na. Lagi kong sinasabi na, wag ibigay ang isang bagay lalo na’t wala pa sa tamang oras. Alam niya kung ano ang tinutukoy ko. Lumipas ang ilang buwan na hindi din kami nagkita dahil sa pagiging busy sa school. Bigla na lang siyang dumating sa bahay kasama ng mama niya. Umiiyak sila pareho. Iyak na may halong galit at pagkasuklam ang sa mama niya habang iyak naman na may halong pagsisisi ang kay emerald. Nagusap lang sila nina mama habang kasama ko naman si emerald. Pagkatapos nilang magusap ay pinatawag ako. Pinaalam sa akin na tatlong linggong buntis si emerald. Wala akong nagawa kundi tumahimik at tumitig sa kanya habang nagtatanong ang isip ko,kung bakit niya nagawa yon. Galit na galit si tita sa kanya. Pinatira siya sa amin hanggang sa manganak siya dahil sobrang galit si tito sa kanya sa kadahilanang bago ito ihatid ni tita sa bahay ay nabugbog siya ng papa niya gamit ang sinturon. Lumipas nag mga taon,hindi siya pinanagutan ng ama ng anak niya. Natanggap na din naman siya ng papa at mama niya. Spoiled parin siya ngayon pero sa anak na niya.

Pero sa lahat ng ito ako ang mas nanghinayang sa mga nangyari. Sayang kasi hanggang ngayon hindi pa din siya nakakapag aral. Hindi pa siya graduate sa highschool. Matalino naman siya eh. Pero mas inatupag niya ang pag-aalaga sa anak niya. Saka na daw siya mag-aaral. Sa isip-isip ko kaisa-isang anak ka pa naman nila. Sana man lang maisipan mong makapag tapos ng pag-aaral para mas lalo pang maging proud sina tita at tito. Alam kong naging mahina nung mga oras na yun si emerald. Alam ko na ang nasa isip lang niya ay mahal niya ang bf niya kaya nagawa niya yun. Pero sana pagdating sa bagay na yun pinagana niya ang utak niya. Na may masasagot siya sa mga tanong na kaya ko ba? Kaya ko na bang magkaanak? Kaya ko na bang magtrabaho para sa anak ko? Kaya ko bang gampanan agad ang pagiging isang ina? Magiging mabuting ina ba ako gayong katulad niya ay bata pa lang din ako?

Advertisements