Tag Archives: stupid love 1

Stupid things I do for Love.

Sabi ng friends ko everytime na pumapasok ako sa isang relationship minsan kung i dedescribe nila ako it’s either tanga o stupido. Natatawa na lang ako. Bakit nila nasabi yon. 

Mga ginagawa ko daw na weird..(but for me i don’t find it weird.)

* kahit di ako tinetext ni bf tinatadtad ko pa din ng text. Hindi daw ako marunong mapagod sa pag-aalala.

* Lagi akong nagse-search ng jokes kahit corny tapos ibabanat ko kay bf para lang ngumiti siya kahit kadalasan naiirita na sa akin ginagawa ko pa din. 

* Dito kasi sa lugar namin walang masyadong tindahan,kung meron man tindahan lang ng gulay. Kaya pag nagtext siya tapos wala akong load,para akong kiti-kiti na di mapakali at kahit umuulan ay pupunta pa din ako sa pang apat na street para lang magpaload. Napaka stupid ko daw pag ganito ako.

* Kahit na siya lagi may kasalanan ako pa ang mas naglalambing sa kanya. Stupid din daw ako pag ganito ako.

Marami pang dahilan yung friends ko sa akin kung bakit nila ako na de-describe na ganun. Kaya natatakot daw sila na masaktan ako kasi sobra-sobra daw ako magbigay. Porke mahal gagawin na lahat. TAKENOTE. Oo ganun akong klase ng gf pero pagdating sa virginity umasa kang pag ipinagpilitan mo sa akin yan eh talagang hindi ako manghihinayang na iwan ka. Bakit kamo? Makaluma man pakinggan,hindi man kapani-paniwala pero ito na lang ang pinakaiingatan ko kaya hanggang sa makasal ako kay mr.right gusto ko buong buo ako. Kuha mo? 

Advertisements