Tag Archives: high school days

I’ll make kwento na lang…

Highschool Days.

Anong klaseng estudyante ba ako nung highschool ako? Well,mabait naman ako syempre. Since nung elementary ako hanggang h.s eh “ate” ang tawag nila sa akin. Ate carol o kaya ate nofies. 

As a classmate..

  • ako yung tipo ng kaklase na hindi namimigay ng papel unless marami akong stock sa bahay. Kadalasan kasi nag-iipon ako ng pambili ng papel na galing sa allowance ko. Dahilan para masabihan nila ako minsan ng madamot. Well,ayos lang sa akin yon. 
  • ako yung tipo ng kaklase na hindi nagpapahiram ng notes unless may magandang reason kung bakit siya manghihiram. Kadalasan kasi nung mga kaklase ko kaya hindi nakakakopya eh naubos na ang oras sa kakadaldal. Nagpapahiram lang ako kapag may magandang reason sila sa akin. Syempre ang akin lang naman,nagpakahirap akong kumopya para din may ma-reaview ako,tapos dahil lang sa kakadaldal mo eh hihiramin mo notes ko at hindi pa ako makakapag-review diba?

Pagdating naman sa Grades..

  • Well,ang pinaka mataas ko lang talaga na grades eh galing sa subject na T.L.E. I remember nung 2nd year hs ako, iba ang t.l.e namin nun. Pero that time nilipat ako ng tle teacher ko sa computer subject pero sakop pa din siya ng t.l.e. Nakalimutan ko na yung reason kung bakit ako nilipat that time. So ayun nga,syempre medyo nahirapan ako kasi di ko kaklase yung mga kasabayan ko sa computer time. And dahil sa sobrang nagka interesado ako computer kaya nakakuha ako ng mataas na grado which is sobrang proud ako. From 1st to 4th grading naglalalro sa 92-97 ang grade ko nun sa T.L.E. Nung 3rd year ako sobrang naging malaking advantage na computer na ang T.L.E namin. This time kasama ko na mga kaklase ko. Hindi sa pagmamayabang pero madali lang din naman ang mga tinuturo that time kasi basics lang naman sa ms office ang pinag-aaralan. And dahil sa computer dina ng kinuha ko nung 2nd yr ako eh naging madali na sa akin ang lahat. Naglalaro sa 93-97 ang grade ko nun sa 1st to 4th grading period. Nung 4th year ako computer pa din ang T.L.E namin. More on editing na kami. Sa photoshop at saka sa website. Medyo anhirapan ako pero dahil sa naging mas interesado ako sa computer eh nagkaroon ako ng advanced lesson para sa sarili ko kaya naman madali na din sa akin. Sobrang proud ko sa sarili ko that time kasi from 1st to 4th grading paulit ulit lang ang grades ko,nasa 95-98. 
  • Pero kung anong kinataas ko sa T.L.E yun naman ang kinababa ng ibang subjects ko. Syempre di mawawala ang math dyan. Pinaka mataas na nakuha ko ata dun eh 84 tapos pinaka mababa eh 80. Sa ibang subjects namin,ayos lang din. Ang mind set ko lang talaga that time eh ok lang na 80 plus wag lang mka line of 7. 

Extra-Curricular activities..

  • Scouting lang,member sa English Club saka player ng tennis ang nagawa ko sa buong High School life ko. Mas tumagal kasi ako sa scouting,since 1st year ako sumali na agad ako hanggang mag 4th year ako. Dati kasi kaya lang ako sumali sa pags-scout para madagdagan ang grades ko sa Mapeh. Tapos yung english club naman pandagdag grades lang din. Yung sa tennis,ganun lang din. Pero sa lahat ng to,scouting talaga ang pinaka nagustuhan at loyal ako.

Sa mga teachers..

  • Hindi ako sipsip sa mga teachers ko. Siguro kaya lang nila madalas tawagin ang isang estudyante eh dahil sa alam nila na mapagkakatiwalaan,mabait at masipag. Ganun kasi ako. Though ako na lang palagi ang inuutusan,kumbaga parang matic na kapag may ipapakuha siya o ipapagawa eh pangalan ko na tatawagin,hindi ako sipsip. Hindi kami ganun ka close ng mga teachers ko na to the point na magk-kwentuhan at nagbibiruan. Puro utos lang talaga. Eh syempre alangan namang umayaw ako edi napagalitan pa ako.

Never pa akong napagalitan o nabulyawan o di kaya’y nasigawan ng teacher ko ng dahil lang sa maingay ako. Im very proud to say na sa tuwing may awarding sa room namin kahit feeling ko parang pang kinder lang ang pagbibigay ng ribbon,eh proud akong sabihin na ako palagi ang nakakahakot ng ribbons sa room namin. Taon taon yan. Kung ano ano pang most nakalagay. Proud student here! Pero syempre ang pinaka masaya na karanasan sa High school eh yung magkaroon ka ng mga barkada. Hindi maiaalis yon. Halos isang taon din kayong magkakasama kaya magkakaroon at magkakaroon ka talaga ng mga kaibigan. Tapos sabay-sabay pa kayong ga-graduate. Ang sarap lang sa feeling. Yung tipong after class,”tara sa mall tayo”,”tara sa circle tayo”. O di kaya,” oy sa ganito ganyan swimming tayo ha!”. Kapag birthday ng kaklase imbitado ka. Yung mga moments na ganun,ang sarap lang balikan. Sobrang enjoy talaga ang High School Life.

Advertisements