Tag Archives: airsupply

Memories.

Lonely is the night when I’m not with you
Lonely is the night ain’t no light shining through
Till you’re in my arms till you’re here by my side
Lonely am I ..

Kahit sabihin mong naka move on ka na talaga,hindi mo maiiwasan na maalala ang mga oras na kasama mo siya. Katulad ko ngayon. Oo,hindi pa ako totally moved on. Pero malaking bagay na sa akin yung hindi ko na siya hinahanap hanap at palaging naaalala pero tama rin pala na minsan darating din sa punto na maaalala mo yung iba’t ibang parte ng memories ninyong dalawa na masaya…
Kasama ng pinsan ko dito sa bahay kanina yung boyfriend niya. Dahil sa walang pasok silang dalawa kanina naisipan nila na tumambay dito sa bahay. Nagdala din sila ng meryenda at mga horror CD. Habang ako gumagawa ng project ko at ng kapatid ko. Naisipan ko na sumali sa panonood dahil nga sa paborito ko ang horror movies. Pero syempre di maiiwasan na masaksihan ko ang lambingan ant kulitan nila na natural alng naman dahil nga sa sila’y magkasintahan. Habang ako patay malisya na lang na focus sa panonood. Biglang sumagi sa isip ko na, “Dati ganito din kami,habang tambay sa bahay ni bf,nanonood ng horror,ako naman ay lumalamon sa tabi. Bigla na lang niya akong kukulitin o di kaya’y sisiksik siya sa akin dahil sa natatakot na siya. Pero lahat ng yoon ay nakalipas na.” Habang nakatabi ako sa kanila na sa tingin ko ay hindi na na susubaybayan ang palabas,minabuti ko na humiwalay na lang sa kanila dahil marami akong alaala na naaalala. Pero hindi naman yun naging dahilan upang lumungkot ang aking aura. Bagkus naging dahilan ito upang tumingin sa hinaharap na naniniwalang may darating pa sa buhay ko na higit pa sa dating nakilala ko. 🙂

Advertisements