Tag Archives: balik tanaw

Ano bang maipagmamalaki ko?

Tinanong sa akin yan dati nung high school ako. Values ang subject namin nun. Karamihan ng mga kaklase ko eh ang sagot nila ay patungkol sa look nila at sa mga talents. Sa isip isip ko,parang pagmamayabang naman ata ang dating nun kapag sinabi ko. Bali recitation namin kasi nun. Tapos nung ako na,ayan na nagsimula nang manginig ang tuhod ko at garalgal na ang boses ko. 

” Ano nga bang maipagmamalaki ko? Wala eh. Pagdating sa looks exit ako dyan. Sa talent pwede pa. Pero yung katulad ng mga talents nyo na dancing at singing? Exit din ako dyan. Mayabang man ang dating ng aking mga sasabihin pero eto talaga ang maipagmamalaki ko. Pagdating sa bahay,marunong ako sa lahat ng gawaing bahay,ultimo gawain ng tatay ay alam ko na dahil sa tinuruan ako. Pagluluto,paglalaba,pagpa-plantsa,name it basta gawaing bahay call ako dyan. Pwede ng mag katulong haha. Siguro kung magiging independent akong tao eh im sure na kakayanin ko. May experience sa pagttrabaho. Tindera ng isda,damit. Kusinera,taga alaga ng bata. Para kumita lang eh gingawa ko na. Pagdating sa talent ilang musical instruments,carry ko. Yan yung ilang mga bagay na masasabi kong kaya kong ipagmalaki. Pero ang higit na gusto kong ipagmalaki ay kung anong klaseng pamilya meron ako. Na kahit wala man akong mga looks at talent na katulad ninyo,eh tanggap nila ako at susuportahan pa sa mga susunod na gagawin ko.”

At ang grade ko that time..92. :))

Well,oo tama yan yung mga bagay na sobra kong pinagmamalaki. Siguro bilang babae,hindi lang pagpapaganda at pagporma yung dapat atupagin ko. Siguro dahil na rin sa sobra sobra yung mga pangaral nila mamat papa sa akin kaya ganito ako ngayon. Syempre proud ako.

Advertisements

Patagong Relasyon.

Minsan nag kwento sa akin ang pinsan ko tungkol sa kanyang lovelife. Sobrang nakaka relate ako sa mga kwento niya that time dahil na rin sa naranasan ko na din yan. Mahirap magkaroon ng patagong relasyon para sa akin. That time bawal akong mag boyfriend. Pero mapipigilan ko ba nararamdaman ko nun? Second year HS ako that time. Yup bata pa masyado. Patago lahat. Bawal malaman ng classmates kasi baka sabihin sa mama ko. Bawal malaman ni teacher kasi baka i-chika sa tita ko. Pag balak namin mag date kailangan kong umisip ng idadahilan ko. Tuwing lalabas kami samu’t saring palusot at dahilan ang sinasabi ko. Natututo akong magsinungaling lalo. Pag may nireregalo sa akin ang BF ko sinasabi ko na arbor ko sa classmates ko o dikaya ay binili ko. Pag mag-uusap kami sa phone kelangan ko pang pumunta sa kasuluksulukan ng bahay para lang di marinig ang cheesy na usapan namin. Kelangan di maiwanan ang cp at kung maaari ay may password para di mabasa ang mga messages namin. Tuwing lalabas kami iniiwasan namin ang mga lugar na alam kong madalas tumambay doon ang mga kakilala ko. Para bang may tinataguan kaming mga tao. Masakit yung ganun pero dahil sa mahal mo siya ginagawa mo ito. Takot kang ipaglaban siya dahil baka matalo ka lang at pag hiwalayin kayo. Gusto mo siyang ipagmalaki sa relatives mo at mga kaibigan pero hindi pwede. That time nahirapan ako pero marami din akong na realize. Ngayon na na e-experience ko na na pwede na kina mama at papa na may BF eh masarap sa pakiramdam. Na hindi lang ikaw ang kasundo at ka bonding ng BF mo kundi pati na rin ang parents mo. Kaya naintindihan ko ang pinsan ko that time. Dahil na rin sa kilala ko ang ugali ng auntie ko (mama ng pinsan ko) eh alam ko na pag nalaman ito ay paghihiwalayin sila. Hanggang ngayon hindi alam ni mama na nagkaroon ako ng BF that time,kung nalaman lang niya yun dati,break-up talaga ang bagsak. Di ko masisisi kung bakit ganun ang magiging pasya nila pero alam kong valid ang reason nila dahil para sa kapakanan din naman natin yun. Kaya lang pag puso talaga ang tumibok minsan go na lang ng go.

Wanted Sweetheart ni Papa Dan.

Maalala ko lang. Hmm, 17 years old ako nung tumawag ako dun. Eh diba dapat 18 pataas lang ang pwede? Eh sakto di naman nahuli ang edad ko. Pasaway eh. Nakalimutan ko na ang exact date nung pagtawag ko. Sa huli nagkatext naman kami nung guy na 19 years old na. Tapos halos 3 months ko din nakatext yung damuho na yun. Aba’y nung makikipag meet daw siya edi na curious ako kaya payag ako. Pinuntahan naman ako sa school nun nung breaktime. Taga STI munoz lang naman daw siya eh malapit lang daw. Nakita ko na pic niya sa fb. Nahiya pa nga ako kasi ang cute niya tapos di ako kagandahan. So ayun nga pumunta nga. Di ako una bumati. Napansin ko may kasama siya. Tapos ayun nga to make this stupid story short, yung kasama pala niya ang totoong ka text ko. Ibang mukha yung ipinakita niya sa akin sa fb. Magkaklase sila. Ang super duper layo ng itsura. Eh kesyo daw baka umayaw ako kasi panget siya. Eh sabi ko naman, kung naging totoo ka lang sana edi friends na tayo. Eh wala eh. Hay buhay. Bakit daming di makuntento sa itsura?