Tag Archives: stupid love 3

Stupid things I do for Love III..

Dahil sa wala na naman akong mapost na matino. Magkkwento na muna ako :))


Love makes you do crazy things, insane things, things in a million years you wouldn’t see yourself doing, but there you are doing them. 

Eh kasi naman mahilig akong magluto talaga. Masaya ako kapag pinagluluto ko ang isang taong mahalaga sa akin. Para sa iba sweet daw pag ganun. Yung ex ko alam ko yung mga pagkain na paborito niya. Hindi ko naman siya araw-araw na pinagluluto para di siya maumay. Siguro sa isang linggo mga dalawang beses. At saka pinagluluto ko siya pag alam ko na mag o-overtime siya sa work niya. So ayun nga pinagdadala ko siya ng pagkain sa trabaho niya. Nasanay na ako na ginagawa ko yun at masaya ako pag nabubusog siya sa dala ko. Days passed may nalaman ako na kinasama ng loob ko. Nung nagpunta ako dun sa work niya na tyempuhan ko na kumakain na sila pero wala siya dun,ang sabi may binili daw. Bumili daw ng pagkain. Sabi ko,bakit pa siya bibili eh alam naman niya na magdadala ako? Ang sabi sa akin ng ka trabaho niya,bigay ko na lang daw sa kanya tutal siya lang din naman daw ang kumakain ng dala ko. Naguluhan ako nun. Pero to make this stupid story short, hindi pala kinakain ni ex yung luto ko,binibigay lang niya dun sa ka trabaho nya. Para sa akin,ayus lang kasi at least kinakain yung luto ko at di nasasayang,kaya lang DUH luto ko yun para sa kanya,it means special yun tapos sa iba lang niya papakain? Nung dumating siya,nagulat siya tapos tinago yung binili niyang pagkain. Sabi ko,“mas masarap pa siguro yung luto nung binibilhan mo,nauumay ka na siguro sa luto ko. Hindi naman paulit-ulit yung binibigay ko sayo. Everytime na gagawa ako nito ginagawa kong espesyal tapos ganito lang malalaman ko? Na iba kumakain ng luto ko na dapat ay sayo? Ayos lang naman eh at least di nasasayang at nabubusog ko ang ibang tao,kaya lang kaya nga tinawag na espesyal diba? Kasi para sayo!.”

So ayun,napagod ako sa kaka effort na hindi naman na aappreciate. Yung parang wala lang sa kanya. Yung tipong hindi niya binibigyan ng halaga. Natuto na ako.

Advertisements