Tag Archives: saan ka na ba?

Enough is enough.

Carol kelan ka ba matatauhan? Kelan mo ipaiintindi sa sarili mo ang salitang TAMA NA? Hindi ba’t sawa ka na sa pag-iyak? Di ba pagod ka na sa kaka-antay sa wala? Hindi ka pa ba sawa sa mga bagay na parati mong ginagawa pero parati din nyang binabalewala? Hindi ba’t napaka unfair naman non? Di ba sabi mo noon kakalimutan mo na siya? Kahit gaano kahirap,pagttyagaan mo makalimutan mo lang siya? Pero ano to? Nagppakatanga ka ulit? Tapos pag masakit na iiyak ka na naman? Ilang beses mong hahayaan na sayangin niya ang pagkain mong dala dahil sa kapabayaan niya? Ilang beses mong hahayaan na abutin ka ng hatinggabi sa daanan mag-isa dahil sa kapabayaan niya? Ilang beses kang maniniwala sa mga pangako na walang ginawa kundi ipako at paasahin ka. Ilang beses mong paniniwalain mo ang sarili mo na mahal ka niya kahit nakikita naman ng lahat na hindi siya ang tipo ng boyfriend na gusto ng mga babae. May mga tao na handa kang pangitiin sa simpleng bagay lamang. Hindi man maipangako na hindi ka iiyak sa piling niya dahil iiyak ka sa sobrang kasiyahan na matatamo mo sa kanya. Pero bakit yung taong nananakit lang ng damdamin mo ang di mo mabitawan? Tama na carol. Masakit na diba? Tama na.

Advertisements