Tag Archives: churchmates

Iba magalit ang mga taong ubod ng bait.

Ako kasi yung tao na kayang kayang magtimpi. Kung maiinis man nasa sa loob ko lang. Hindi ako bungangera. Kung sasabihin ko man yung dahilan kung bakit ako galit eh sa mahinahon na tono. Ganun ako. Mahahalata mo lang na galit ako pag hindi na ako naimik. Mabilis lang din mawala ang galit ko. Kumbaga bati ko na sila ulit. PEro may times din na nagwawala ako sa sobrang galit. Well depende naman yun sa sitwasyon. Kanina nakita na naman nila kung paano magalit ako magalit. Well,nainis na talaga ako nun eh. Kumbaga napuno na ako at ayokong manahimik. Kanina kasi naka sched ang grupo ko sa choir para sa misa na 6:30pm. Dahil sa meron akong contacts nilang lahat eh nag gm ako ng dalawang beses para siguradong tanggap at na inform sila. Mga 6pm pa lang andoon na ako para mag practise ng piano. Nakita ko sila sa labas ng simbahan noon. Mga apat na sila. Wala pa yung guitarist. Naisip ko kung di man sisipot yun ayos lang kasi kaya namang saluhin ng piano. Mga 6:15 hindi pa sila pumapasok sa loob ng simbahan. Dalawa pa lang kami ng kasama ko. Eh that time medyo paos siya. Nag-alala na ako kaya hinanap ko sila sa labas. Nainis na ako at pumasok na lang ako para isipin kung paano ang gagawin ko. Naisip ng kasama ko na magtulungan na lang kaming kumanta para kahit papaano hindi mahalata yung boses niya na paos. Mahina lang ang boses ko nun kasi hindi ako magaling kumanta though nasa tono naman. Naisalba namin ang isang oras na misa na kaming dalawa lang. Thankful ako nun. Pero pagtapos ng misa,kinausap ako nung mentor namin at napagalitan ako. Akala niya di ko sila na inform. Pinaliwanag ko naman pero still napagalitan pa din ako dahil medyo hindi daw maayos ang pagkanta namin. Hindi na ako sumagot pa non. Biglang nakita ko na lang ang apat na kumakain ng isaw sa labas. Nung makita ako hindi sila makatingin ng diretso sa akin. Tinanong ko sila kung bakit hindi sila nakipag participate. Ang sabi nila eh sinundo pa daw nila ang iba. Sobrang nainis na ako that time kasi kadalasan silang ganun. Hindi ako ang leader pero nasasalo ko lagi ang sermon ng mentor namin. Ang sabi ko na lang sa kanila,“palagi na lang kayong ganyan. Pasalamat na lang ako kanina at andoon yung isa na kahit paos eh kumanta pa din,paano kung wala? Eh di napahiya pa ako dahil sasaluhin ko ang buong grupo. Alam niyo naman na piano lang ang sakop ko. Palagi ko na lang sinasalo ang sermon ng mentor natin dahil sa kapabayaan ninyo. Nananahimik ako kasi akala ko makakaramdam kayo dahil dyan sa mga pinaggagawa ninyo. Pero hindi pala,singkapal ng bato ang mga pakiramdam ninyo. Bakit niyo pa kailangang sunduin ang iba? Kung ayaw nila,wag ninyong pilitin. Hayaan ninyo silang magkusa dahil una sa lahat inobliga nila ang sarili nila na maglingkod sa simbahan. Hindi sila pinilit. At kayo? Hindi niyo ba kaya na wala sila? Hindi ako ang leader dito pero parang nagiging ako na. Ginagawa ko ang obligasyon ko dito sa simbahan kasi ito ang gusto ko,kung ganun din kayo sana magtulungan tayo bilang grupo. Hindi kayo mga bata,mga ate at kuya kayo. Pasensya sa mga nasabi ko ngayon pero mahirap maging tahimik.” Sobra talaga akong inis nun. Pero nung ma open ko sa kanila to,naging maluwag na ang pakiramdam ko. Okay pa din kaming lahat. Naintindihan nila ako. Pero sana naging maliwanag nga sa kanilang lahat ang sinabi ko.

Advertisements