The Ondoy Experience.

Image

Foundation day sa school namin. I was in third year high school that time. Actually sa apat na taon kong paglalagi sa eskwelahan na yon ay never kaming nakaranas na mag celebrate ng foundation day na maaraw. Palaging inuulan ang okasyon na to. Nung mga araw na yon,kasadsagan ng parade namin eh umaambon na. Pero dahil sa nasimulan na ang parada eh tinuloy na lang namin. Dahil sa scout ako,kelangan na sumama din ako. Nang makarating na kami sa school biglang lumakas ang hangin kaya napagpasyahan na sa social hall na lang ituloy ang program. Para sa  mga kasali sa contests eh ayos lang basta matuloy ang program. Pero sa nakararami lalo na sa akin eh mukhang mahirap ata yun. Bakit kamo? Hindi kalalkihan ang social hall. Kung iistimahin ay halos limang section lang ang kasya kung may upuan,kasama na rina ng mga vip guest. Pero kung nakaupo lang sa sahig at inspired ka sa sardinas para ipagsiksikan mo sarili mo sa mga katabi mo eh kasya na ang walong section. Pero kulang pa din eh. Ang foundation day ay para sa lahat ng estudyante at guro. Paano makakalahok ang iba kung walang maayos na pagdadausan ng program.

Nung mga oras na yon ay nasa labas lang ako para mag assist ng mga guest na kailangang payungan at alaayan dahil maulan. Mga ilang oras lamang ay lumakas na ng lumakas ang ulan. Hindi pa masyadong napapansin ng iba dahil aliw na aliw sa program pero dahil sa nasa labas ako at dakilang alalay eh nangamba na ako na baka bumigay ang payong ko at baka bigla na lamang itong liparin. Tanging dasal na lang na sana ay huminto na ito pag-uwi namin. Lumipas pa ang ilang oras eh tila wala talagang pag-asa na titila pa ito dahil palakas na ng palakas. Oras na rin noon ng uwian namin. Ang iba ay wala ng pakielam kung mabasa,ang iba ay tuluyan ng naligo sa ulan. Masaya pa nga sila eh. Kaya lang naisip ko,kung gagaya ako sa kanila,paano ang mga gamit ko na hindi pwedeng mabasa? Paglabas namin ng gate,nagulat ako ng baha na sa harap nito. Ngayon ko lang nakita na bumaha doon. Hindi ganun kataas pero akala ko doon lang yon.

Lakad ng lakad sabay akyat sa foot bridge. Doon nagising ang diwa ko. Diyos ko,abot bewang na ang baha! Mga pangamba na,”Paano ako makakauwi?,”Paano ko susuungin yan?”,Paano kung bigla na lang akong mahulog sa bukas na manhole?”. Dasal na lang ang masasabi ko ng mga oras na yon. Siguro dahil first time kong malagay sa ganoong sitwasyon kaya sobrang kaba ang nararamdaman ko. Nilagay ko sa aking ulo ang aking bag para sa mabasa. Ang mga lugar na dinadaanan ko palagi ay mas malalim pa pala. Habang ang tubig sa highway ay hanggang bewang lamang. Hindi ko tlaga alam ang gagawin ko noon dahil wala nmang masasakyan,lahat ng tao ay naglalakad. From sm north hanggang del monte ave. Nilakad ko yan. Buti na lang at may isang mabait na babae na lumapit sa akin at tinulungan ako. Pinakapit niya ako sa mga braso niya at pinasunod sa mga nilalakaran niya para hindi daw ako mapaano. Mahaba habang kwentuhan ang nangyari sa amin noon. Iwas sa malalim na parte,muntikang mahulog sa manhole,namulikat ang paa at napunta sa malalim na parte para lang makaiwas sa mga bukas na manhole. Hindi ko akalain na dadanasin ko ito.

Nang mkarating na kami sa destinasyon namin ay naghiwalay na kami ng daan. Wala ng tubig sa parte na yon. Nakahinga ako ng maluwag. Doon ay nakita kong inaantay ako ng tatay ko. Akala ko ay ligtas na ako sa baha. Yun pala ay hindi pa. Dahil sa may dadaanan kaming creek na sobrang umaapaw na at malakas ang agos na animo’y nasa ilog ay minabuting sunduin na daw ako ng tatay ko. Kapit lang ng mahigpit sa lubid at makakaraos din. Halos 2 minutes na pagtawid at ayos na din. Pagdating sa street namin ay nagulat ako,umapaw din ang creek na nasa dulo ng street namin. Kaya pala pinasok ang loob ng bahay namin. Buti na lang at hindi mataas at hindi na kinailangan maglikas ng mga kagamitan. Agad akong naligo at nag-ayos para tumulong na maglinis ng bahay. Nanatili ang malakas na ulan at hangin. Brownout at walang cable ng ilang araw. Tanging ang stock na mga pagkain na lamang ang kinakain namin.

Nang nagkaroon ng pagkakataon na ako’y makalabas ng bahay ay agad kong sinuri ang paligid. Bagsak na mga puno. Buhol-buhol na kable ng kuryente. Mga tanggal na yero sa bubong,mga natanggal na halaman,mga nagliparan na poster na nakasabit sa mga kable,mga saradong tindahan. Grabe ang dinulot ng bagyo. Para sa akin ito ang pinaka memorable na pangyayari sa akin. Pero naisip ko lang,ilang bagyo pa ba ang kailangang ipatikim ng kalikasan sa atin para mamulat tayo sa mga maling pangangalaga sa kapaligiran natin? Saka pa ba tayo matututo pag huli na ang lahat? Habang may pagkakataon pa ay dapat kumilos para hindi nasa huli ang pagsisisi.

Advertisements

One response to “The Ondoy Experience.

  1. Sadya nga na may mga aral sa buhay na sa mahirap o masaklap na paraan pa natin mararanasan bago may matututunan.

    Parang nung nakaraang earth hour lang. Ang dami sa mga kapitbahay namin ang walang pakikisama at pakialam para sa simpleng paraan para matulungan ang ating nag-iisang mundo na makahinga ng maluwag kahit panandalian.

    Di bale, magbibitak ang lupa at kakainin silang lahat. At pagkatapos ay magsasara ulit at tutubo ang mga bagong puno at halaman.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s