Tag Archives: pagpapahalaga

Pagpapahalaga.

Kapag may bago,napapabayaan na ang mga lumang bagay na dati ay sobrang importante para sayo.

Image

Ganyan yung iba. Kahit ako ganyan din minsan. May mga gamit na dati eh sobrang pinapahalagahan natin. Pero pag bagong dumating itchapwera na ang luma. Napapabayaan,tinatago na alng kung saan-saan hanggang sa mapaglulumaan ng panahon at masisira na lang. Habang ubos ang oras mo sa mga bagay na bago at todo ang pagpapahalaga mo. Parang mga gadgets. Dati ang lagi ko lang talagang hawak ay mga libro. Mahilig akong magbasa. Sobra. Pero simula nang magkaroon ako ng gadgets,laging nasa bulsa ko yan,kadalsang hawak hawak at hindi nawawala sa paningin ko. Habang ang mga libro eh tinago ko na lang at hanggang ngayon ay di ko pa din binibigyan ng pansin. Tulad ng bag na nasa larawan. Matagal na yan. Second year HS pa ako niyan. Tandang tanda ko nung iniyakan ko yan kay mama kasi gusto ko talagang bilhin at napaka hilig ko sa spongebob that time. Nung nabili na,lagi kong ginagamit sa school. Nung nagkapera ako bumili ulit ako ng ganyan kaya dalawa na sila. Pero ngayon dahil sa nabili ko na ulit ang bagpack na gusto ko,tinago na lang sila ni mama. Hanggang sa medyo naluma na dahil sa kapabayaan ko. Parang tao din yan eh, ang mga kaibigan na matagal mo nang kasama at laging nandyan para sayo ay minsan mong nababalewala dahilan sa mga bagay na mas nakakuha ng atensyon mo. Tulad nitong tumblr. Oras at presensya mo ang ninanakaw ng social site na to dahilan para mwalan ka ng kahit papaanong oras sa mga kaibigan mo. O di kaya sa mga bagay na dapat ay gagawin mo. Habang hindi nawawala ang mga bagay o tao na nasa paligid mo,di mo malalaman ang kahalagahan nito sa buhay mo. Matuto kang MAGPAHALAGA. Tao man yan o bagay.

Advertisements