Tag Archives: classmate

“Sana may magkagusto sa akin”.

Yan yung palaging sinasabi nung classmate ko dati na lalaki (4th yr time). Di ko siya ganun ka close pero nakakapag open siya sa akin ng personal problems niya. Dumating sa time na nagkagusto ako sa kanya. Hindi yung parang PBB teens lang. Yung tipong assuming ang peg ko. Mabait siya,magkasundo kami sa lahat ng bagay. Tanggap niya kung ano ako. Okay na ako dun. Pero di ko din sinabi sa kanya yung feelings ko. Kuntento na ako sa pagiging magkaibigan namin. Masaya na ako dun eh. At saka baka biglang magkaroon ng awkward situations pag sinabi ko pa. Then ayun nga minsan pumunta ng bahay yun tapos birthday pa naman niya kaya nagulat ako. Akala ko kasi kasama niya yung mga barkada niya o di kaya may party siya sa bahay nila. Kaya ayun nagulat ako,sabi niya yung crush daw niya kasi hindi pumunta sa birthday party niya. Medyo nakainom siya nun pero nasa wisyo pa naman. Nagddrama nga siya eh sabi niya,” Bakit ba walang nagkakagusto sa akin? Hanggang crush na lang ba ako? Hanggang kailan ko igugugol ang oras ko sa mga online games? Pangit ba ako? Bakit wala? Sabihin mo nga!”. Tanging nasabi ko..

“Malay mo may nagkakagusto sayo,di mo lang alam. Kasi siguro may standard ka na sinusunod. Siguro may nakapag sabi na sayo na crush ka niya pero di mo lang pinansin kasi wala siya sa mga linya ng mga babaeng gusto mo. Maybe your expecting so much. Malay mo meron isang tao na may gusto sa’yo di mo lang napapansin kasi busy ka sa paghahanap ng babaeng pasok sa standards mo.

~Opinyon ko lang yan. Pero sinabi ko talaga yan sa kanya. Based din kasi sa experience ko kung bakit nasabi ko yun sa kanya. Siguro una dahil nga sa may gusto ako sa kanya. Pangalawa kasi alam ko naman na kahit sabihin ng iba na gusto nila ng babaeng simple lang,yung maiintindihan siya,mabait,basta simple,alam ko na may hinahanap at hinahanap pa rin siya. Kasi naka incounter na rin ako ng ganyan. Ewan,basta yun lang opinyon ko. 

Advertisements