Tag Archives: opinyon ko

Ulan Issue..

Sabi ng ibang bata, “sana walang pasok bukas, sana suspended bukas, sana malakas ulan bukas.” Nung elementary at high school days ko,linya ko yan parati. Lumakas lang ang ulan kahit walang bagyo tutok na ako agad sa tv at radyo kung may announcement ang PAG-ASA. Dumating yung time dati na halos isang linggong suspended ang klase, syempre masaya ako nun. Hindi ako gigising ng maaga,kain tulog lang sa bahay. Pero bigla ko na lang na realize na,sino nga bang mahihirapan pag sinuspend ang klase? Hindi naman ang mga taga pag-asa o di kaya ang parents mo. Syempre tayo mismong estudyante. Mahirap kaya maghabol ng lessons, buti pa sana kung in just one day gets mo na agad yung lessons mo. Kahit papaano nakakapanghinayang pag na suspend ang klase. Isa pa dito eh kawawa din naman kung ipapanalangin pa natin na sana lumakas pa ang ulan, aba eh paano na yung mga kabahayan na lubog sa baha ? Malulubog lalo sila ? Tatagal pa bago humupa ang tubig sa lugar nila? ? Ang tanging magagawa natin ay magdasal.

Advertisements

Yabang mo Dude!

Pagiging mayabang. Ayaw natin sa mga ganyang tao. Yung tipong lahat na lang ng bagay eh pinagmamayabang niya. Nakakainis yung ganun eh. Pero hindi naman porke nag mamayabang ka eh masama na. Siguro dapat lang natin ilugar. Meron kasing mga tao na hanggang salita lang yung pagmamayabang niya. Puro satsat lang. Mas maganda kung meron ka talagang maipagmamayabang hindi yung may masabi lang. Yung tipong maipagmamalaki mo yang pinagmamayabang mo sa iba. Magkausap kasi kami ng mga classmates ko nung elementary. Nagkita kita kami sa basketball court dito sa barangay namin. Tapos ayun nagkwentuhan. Nag update tungkol sa sarili namin. Kung anong nagbago sa amin. Dumating sa punto na nagmamayabang na ang iba nung tinanong ko kung anong bago sa kanila at anong pinagkakaabalahan nila. 

  • Yung isa nag-aaral daw siya sa san beda ngayon. HRM ang course niya. May pagka mayabang ang aura niya nun sabi ng mga kasama ko pero nakinig lang ako sa kwento niya. Sabi pa niya puro sosyalin daw ang nasa paligid niya kaya nahahawa daw siya. Ang problema daw niya tatlong subjects ang bagsak niya. Sa isip-isip ko sa san beda ka nga nag-aaral puro bagsak naman ang grades,wala din.

Marami pa akong mga kwento na napakinggan tungkol sa kanila. Medyo nayayabangan ako dun sa iba pero ayos lang. Ako aminin ko,mayabang din ako sa ibang bagay. Tinanong nila ako kung ano daw pinagkaka-abalahan ko. Ang sabi ko kapag wala akong pasok,nagb-blog ako o di kaya ay tumutugtog ng mga instruments. Narinig ko na lang sila bigla na naghiyawan tapos ang sabi “yabang ah”. Napangiti na lang ako. Sa isip-isip ko at least itong mga pinagsasabi ko eh masasabi kong maipagmamalaki ko talaga. At isa pa tinanong nila ako kaya sasagutin ko. Okay lang mag mayabang lalo na’t proud ka sa bagay na yun. Wag lang sosobra kasi magiging iba ang dating nun sa ibang tao. Pangalawa siguraduhin mong ang ipinagmamayabang mo eh kaya mong panindigan. May iba kasi basta may masabi lang at may mapagmayabang,kahit hindi naman totoo,sinasabi pa rin nila. At saka uso naman ang pagiging humble. Maging humble din kahit konti. :))

The Commandments.

Image

 

Sabi ng isang paring nag misa sa amin kanina, “kung ang simpleng utos nga ng mga magulang di na masunod,what more ang utos ng diyos? Diyos na ang nag-uutos sayo niyan.” Naisip ko lang,siguro nga walang taong makapagsasabing hindi niya nilabag ang mga commandments. Eh sa 10 commandments pa lang ni moses bagsak na tayo,paano pa kaya sa 613 commandments sa bible? Kung titingnan natin ang realidad at ang mga nangyayari sa paligigd natin ngayon,halos araw-araw tayong sumusuway sa mga utos na yon. 

Honor your father and mother.

  • Dito pa lang kahit ako mismo nalabag ko na ang utos na to. 

You shall not kill.

  • Halos araw-araw makakarinig tayo ng mga balitang may pinatay at pumatay. Parang hindi kumpleto ang balita pag walang patayan na nagaganap at nirereport. At kung iisipin hindi lang dito sa bansa natin nangyayari to. Ilan kaya ang namamatay sa araw-araw? Ilang tao kaya ang hindi pinapahalagahan ang buhay na hiram lang naman? Ilan na kaya ang sumuway sa utos na ito.

You shall not steal

  • Parang patayan din,halos makakarinig ka rin sa mga balita ng ganitong mga pangyayari. Ninakawan ang bahay,ang shop,ang kotse at kung anu-ano pa. Minsan may namamatay din sa ganitong gawain.

Do not commit adultery. 

  • Diyan pumapasok ang mga kabit na tinatawag. Na tipong makakasira ka ng isang pamilya ng dahil sa pakikiapid mo. 

Iilan lang yan sa sampong utos pero tila ba nasuway na natin ang lahat. Paano pa kaya ang 613 na utos na nakasaad sa bibliya? Mahalaga pa ba ang mga ito sa panahon ngayon? Kahit ako wala din akong ideya sa iba pang utos na nasa bibliya dahil ang tanging pamilyar lamang ako ay ang utos ni moses. Bigla lang sumagi sa isip ko ang mga ito dahil na rin sa sermon ng aming kura paroko. Pero para sa akin gawin natin ang parte natin bilang kristiyano. Ipahayag ang mabuting balita. Hindi man sa pa pilosopong paraan na nasa isip niyo ngayon pero sa paraan na kaya nating ipamahagi yon. Maging isang mabuting anak ng diyos. Yun lang.