Tag Archives: experience

The Ondoy Experience.

Image

Foundation day sa school namin. I was in third year high school that time. Actually sa apat na taon kong paglalagi sa eskwelahan na yon ay never kaming nakaranas na mag celebrate ng foundation day na maaraw. Palaging inuulan ang okasyon na to. Nung mga araw na yon,kasadsagan ng parade namin eh umaambon na. Pero dahil sa nasimulan na ang parada eh tinuloy na lang namin. Dahil sa scout ako,kelangan na sumama din ako. Nang makarating na kami sa school biglang lumakas ang hangin kaya napagpasyahan na sa social hall na lang ituloy ang program. Para sa  mga kasali sa contests eh ayos lang basta matuloy ang program. Pero sa nakararami lalo na sa akin eh mukhang mahirap ata yun. Bakit kamo? Hindi kalalkihan ang social hall. Kung iistimahin ay halos limang section lang ang kasya kung may upuan,kasama na rina ng mga vip guest. Pero kung nakaupo lang sa sahig at inspired ka sa sardinas para ipagsiksikan mo sarili mo sa mga katabi mo eh kasya na ang walong section. Pero kulang pa din eh. Ang foundation day ay para sa lahat ng estudyante at guro. Paano makakalahok ang iba kung walang maayos na pagdadausan ng program.

Nung mga oras na yon ay nasa labas lang ako para mag assist ng mga guest na kailangang payungan at alaayan dahil maulan. Mga ilang oras lamang ay lumakas na ng lumakas ang ulan. Hindi pa masyadong napapansin ng iba dahil aliw na aliw sa program pero dahil sa nasa labas ako at dakilang alalay eh nangamba na ako na baka bumigay ang payong ko at baka bigla na lamang itong liparin. Tanging dasal na lang na sana ay huminto na ito pag-uwi namin. Lumipas pa ang ilang oras eh tila wala talagang pag-asa na titila pa ito dahil palakas na ng palakas. Oras na rin noon ng uwian namin. Ang iba ay wala ng pakielam kung mabasa,ang iba ay tuluyan ng naligo sa ulan. Masaya pa nga sila eh. Kaya lang naisip ko,kung gagaya ako sa kanila,paano ang mga gamit ko na hindi pwedeng mabasa? Paglabas namin ng gate,nagulat ako ng baha na sa harap nito. Ngayon ko lang nakita na bumaha doon. Hindi ganun kataas pero akala ko doon lang yon.

Lakad ng lakad sabay akyat sa foot bridge. Doon nagising ang diwa ko. Diyos ko,abot bewang na ang baha! Mga pangamba na,”Paano ako makakauwi?,”Paano ko susuungin yan?”,Paano kung bigla na lang akong mahulog sa bukas na manhole?”. Dasal na lang ang masasabi ko ng mga oras na yon. Siguro dahil first time kong malagay sa ganoong sitwasyon kaya sobrang kaba ang nararamdaman ko. Nilagay ko sa aking ulo ang aking bag para sa mabasa. Ang mga lugar na dinadaanan ko palagi ay mas malalim pa pala. Habang ang tubig sa highway ay hanggang bewang lamang. Hindi ko tlaga alam ang gagawin ko noon dahil wala nmang masasakyan,lahat ng tao ay naglalakad. From sm north hanggang del monte ave. Nilakad ko yan. Buti na lang at may isang mabait na babae na lumapit sa akin at tinulungan ako. Pinakapit niya ako sa mga braso niya at pinasunod sa mga nilalakaran niya para hindi daw ako mapaano. Mahaba habang kwentuhan ang nangyari sa amin noon. Iwas sa malalim na parte,muntikang mahulog sa manhole,namulikat ang paa at napunta sa malalim na parte para lang makaiwas sa mga bukas na manhole. Hindi ko akalain na dadanasin ko ito.

Nang mkarating na kami sa destinasyon namin ay naghiwalay na kami ng daan. Wala ng tubig sa parte na yon. Nakahinga ako ng maluwag. Doon ay nakita kong inaantay ako ng tatay ko. Akala ko ay ligtas na ako sa baha. Yun pala ay hindi pa. Dahil sa may dadaanan kaming creek na sobrang umaapaw na at malakas ang agos na animo’y nasa ilog ay minabuting sunduin na daw ako ng tatay ko. Kapit lang ng mahigpit sa lubid at makakaraos din. Halos 2 minutes na pagtawid at ayos na din. Pagdating sa street namin ay nagulat ako,umapaw din ang creek na nasa dulo ng street namin. Kaya pala pinasok ang loob ng bahay namin. Buti na lang at hindi mataas at hindi na kinailangan maglikas ng mga kagamitan. Agad akong naligo at nag-ayos para tumulong na maglinis ng bahay. Nanatili ang malakas na ulan at hangin. Brownout at walang cable ng ilang araw. Tanging ang stock na mga pagkain na lamang ang kinakain namin.

Nang nagkaroon ng pagkakataon na ako’y makalabas ng bahay ay agad kong sinuri ang paligid. Bagsak na mga puno. Buhol-buhol na kable ng kuryente. Mga tanggal na yero sa bubong,mga natanggal na halaman,mga nagliparan na poster na nakasabit sa mga kable,mga saradong tindahan. Grabe ang dinulot ng bagyo. Para sa akin ito ang pinaka memorable na pangyayari sa akin. Pero naisip ko lang,ilang bagyo pa ba ang kailangang ipatikim ng kalikasan sa atin para mamulat tayo sa mga maling pangangalaga sa kapaligiran natin? Saka pa ba tayo matututo pag huli na ang lahat? Habang may pagkakataon pa ay dapat kumilos para hindi nasa huli ang pagsisisi.

Advertisements

May shota kana, tas nanliligaw kapa sa iba?

May ma post lang 🙂

Yung tipong gusto atang manghakot par amarmaing karelasyon? I’ve encounter this situation many times (naks.umi-ingles na ako.) Parang di kuntento sa isa. Like my first bf, matagal tagal na din kami nun. Tapos wala naman akong nakikitang problem sa relationship namin. Tinatanong ko siya minsan kung okay kami,oo naman daw. And months goes by,biglang malalaman ko na may other woman pala siya. Ako kasi yung tipo ng babae na sobrang serious once na papasok sa isang relationship. Hindi uso sa akin yung trip trip lang na kunwari kami or what. Serious relationship talaga ang pinapasok ko. And that time sobrang nawindang ako nung malaman ko yun. It’s like kung hindi ko pa malalaman sa kapatid niya eh siguro nagmumukha na akong tanga habang tumatagal ang relationship namin. That time nine months na kami at sila nung girl eh two months na. Grabe lang. Tapos tinanong ko siya kung bakit niya nagawa,eh kesyo ganito ganyan ugali ko. Marami iyang nireklamo that time. Katulad ng sinabi ko,tinanong ko siya if may problema siya sa akin,pero wala naman daw. Hindi naman ako manghuhula para malaman if may problema siya sa akin. Pag nararamdaman ko,tinatanong ko siya pero laging wala ang tugon niya.  

Hindi ko lang maintindihan kung bakit hindi makuntento ang iba sa ka relationship nila. Para bang ganun kadali sa kanila na mang-iwan na lang ng basta-basta. Sakit lang nun eh. 

Iba ang Dati sa Ngayon.

Dati wala akong pakielam sa love love na yan. Kahit nung elementary pa ako ay exposed na ako sa mga ganyang bagay. Lagi ko na lang sinasabi na “ang bata bata pa ninyo paglalandian na ang inaatupag nyo,eh yung grades nyo naaasikaso ba?” Sabi nila man hater lang daw kasi ako kaya ako ganun. Ewan ko din eh pero wala talaga akong pakielam sa mga love na yan, DATI. Nung highschool ako nandun na yung mga classmate ko eh magkakarelasyon din. Pagpasok mo sa umaga tatambad na lang yung mga mag syota na akala mo mga linta sa sobrang lagkit ng tinginan at yakapan. Pag wala naman si teacher lingon ka lang sa sulok andun sila naghahalikan. Pumi-pbb teens din sila. Naiirita ako sa ganun,kaya kadalasan nasa labas lang ako ng classroom tambay sa hagdan o di kaya sa hallway. Sabi naman nila,wala ka kasing bf kaya di mo pa nararamdaman ang kilig at landi factor. Hahaha xD Tama naman sila wala naman akong bf that time. Eh simula’t sapol namulat na ako a mundo na ang maganda ay para sa gwapo at ang pangit ay para sa pangit. Yun naman talaga eh. Pero Ngayon,iba na. Dun ko na naintindihan yung mga bagay na di ko lubos maunawaan dati. Masarap sa feeling na ramdam mo sa partner mo na safe ka sakanya,na mahalaga ka sa kanya,na karapat-dapat mo siyang pagkatiwalaan, na andyan lang sya parati sa tabi mo. Unti unti ko ng nauunawaan ang mga bagay-bagay na kinaiinisan ko dati. Siguro nga dati wala pa kasi akong partner para maramdaman ko ang nararamdaman din ng mga ka klase ko dati. And oo masarap talaga sa feeling. Ibang sarap tinutukoy ko ha! 

Tuwing naaalala ko nasasaktan lang ako.

Mag sacrifice para sa taong mahal ko ? Opo,nagawa ko na yan. Kakaibang sacrifice pa nga eh. Tanga ko pa dati nung gawin ko ang mga bagay na yun,first boyfriend eh. Too make a long story short. Almost 1 year and 5 months kaming nagtagal ng Ex ko. Actually my sakit siya sa kidney that time. And i know na malala talaga yun kasi i was able to take care of him for almost 2 weeks sa hospital. Lumala sakit niya nun. And that time hindi naman sila ganun kayaman para maipagamot siya agad that’s why lumala yun dahil hindi napapa check. Close siya sa parents ko kaya nag volunteer na ang parents ko na ipa check siya. Ayun hanggang sa na confine siya for almost 3 weeks. As a girlfriend that time gusto ko talagang tumulong sa kanya. So nag part time ako sa office ng ninang ko. Kada isang araw 250 ang bayad sa akin. Iniipon ko yon para pambili ng gamot niya. Then that time dahil sa pang umaga ako sa school after ng class ko diretcho ako sa kanya at ako ang pumapalit na taga bantay,dahil ang lola lang niya ang nagbabantay sa kanya. Ang parents kasi niya that time ay nasa australia. Half australian kasi ex ko. I try to contact his parents and his relatives here in the philippines pero wala din namang nagawa. Hanggang sa nagkasakit din ako at naging dahilan para hindi ako makapunta sa kanya for two weeks. Pero iniform ko siya noon para hindi siya magalala. Lagi ko siyang tinatawagan para malaman if safe siya,chinecheck if meron pang supply ng gamot at kung ano ang findings ng doctor sa kanya. My parents also take care of him,dinadalaw siya minsan doon. Pero after 1 month biglang nalaman ko na kinuha siya ng parents niya at umuwi sa australia. Hindi nagsabi sa akin,nalaman ko na lang sa lola niya nung pumunta ako sa kanila. Sobrang sakit lang kasi wala akong kaalam alam sa dahilan ng pag alis niya. Lumipas ang ilang buwan wala pa din. Hanggang sa nalaman ko dun sa bestfriend niya na parang may girlfriend na daw sa australia kasi nakita daw niya sa bagong facebook account niya. And there was it. Nakita ko nga. Masaya sila. Magkayakapan. Magkahalikan. Naglalandian. Habang ako todo iyak. Pinapagalitan nina mama at papa. Napaka tanga ko daw sabi ng relatives ko. Habang yung iba ewan ko kung naaawa ba sa akin o inaasar lang ako. Pero sa akin ? Sobrang sakit na parang ‘ginawa ko ang lahat para matulungan siya,ginawa ko yung responsibilidad ko bilang girlfriend niya,tapos ganun lang niya ako kadaling iwan? Kalimutan ? Hindi ba ako importante sa kanya ? Ilang buwan ang   pinagpuyatan ko para sa kanya. Ilang quizzes ang binagsak ko dahil hindi ako nakakapag review ng maayos. Ilang club meetings ang hindi ko inattenan para sa kanya tapos ganun lang ? Oo tanga ako dati. Gagawin ko lahat para sa mahal ko. Pero ngayon i see to it na deserve niya ang pagmamahal ko. Para hindi na ako masaktan ulit. Kasi nakakapagod umiyak. Nakakapagod umasa na mahal ka din ng taong mahal mo. Mahirap mag SACRIFICE at bandang huli balewala sa kanya lahat yon kahit pinaghirapan mo pa.

Texting Clan.

Hindi ako mahilig sa textmate at callmate. In short, naka tengga lang ang cellphone ko sa tabi. Ginagamit ko lang siya para sa mga important text/call. Pang soundtrip. Picture picture ng kung anu anong nakakasuyang larawan ko.haha xD At games pag nabo-bored ako. Never ko pa na try sumali sa isang texting clan. Ngayon lang. So how was my experience? BORING! NONSENSE! Eh kasi naman, etong inay ko na mabait nag unli gamit ang smart. Kala ko one day lang yun pala one month. Tapos sa sun ganun din. Sabi ko, ” Hey mother, anong gagawin ko dito sa load mo? Tagal pa mae-expire nito. Sayang naman.” Sabi niya, ” Hayaan mo lang,makikitext ako siyan minsan.”

So ayun nag suggest cous ko na try ko daw sumali sa clan. Para daw hindi sayang load ko. Eh ang problema nga sa akin,ayoko ng ka textmate kasi madali akong tamarin magtext (pwera na alng kung si crush). Tapos sabi niya try lang daw. So ayun sinali niya ako. Binigay ko yung codename ko which is CHINITA. Tapos binigay yung list ng members na sobrang dami. Mga 50+ ata yun. Eh syempre kailangan kong i save yun. So gumawa ako ng group sa phone. Inabot ako ng isang oras nun. haha xD Tapos ayun nag start ng mag send ng GM. Tapos nagkaroon ng topic na paguusapan ninyo as a group. Tapos andun pa yung mga nakakalokang codename nila. Merong bukanghita21, lovemebaby, satanasako at kung anu-ano pang wirdong codename. Pero syempre di mawawala ang salitang SNOB. Syempre newbies pa lang kami. Kaya yung ibang matatagal ng mag friends,may sariling mundo. Kung sino lang close nila,yun lang kakausapin nila. Meron namang itetext ka para lang mangulit. Tapos may tatawag bibwisitin ka lang. Tumagal ako ng 3 araw lang. Nag quit na din ako. Effort less eh. Lagi akong nag s-send ng GM. Nag pa-participate sa  forum nila. Kinikilala yung members. Pero yung essence ng pagka group nila ay wala. SNOB pa din ako. Ayun. Kaya ayoko ng clan clan na yan eh. 

Ang Aking Dalawang Magkaibang Mundo.

Minsan ko nang naranasan ang dalawang magkaibang mundo na ito. Ang una ay ang mundo na kinabibilangan ko ngayon habang ang pangalawa naman ay ang mundo na tila inabandona ko na sa matagal na panahon. Malaki ang pinagkaiba nila na masasabi kong mahirap pumili sa kanilang dalawa. Maaring nasanay lang ako sa kinalalagyan ko ngayon kaya hindi ko lubos maisip kung kakayanin ko bang mabuhay doon. Hindi habang panahon ay nakatayo pa din ako sa mundo ko, maaring sa mga magdadaang taon, kasabay ng pag-ihip ng hangin ay tangayin akong muli sa kabilang mundo at magsimula sa panibagong ikot nito. Pero naisip ko lang, paano at ano-ano ang mga bagay na maaaring mangyari kapag lumagi na ako doon? Makakaya ko ba? Madali lang ba? Mauunawaan ko ba? 


Ang ikot ng Mundo ko sa Lungsod.

         Quezon City. Sa Fabella Hospital ako pinanganak. Sa Santisimo Rosario Parish Church sa UST naman ako bininyagan. Paltok Elementary School at San Francisco High School ang aking naging mga paaralan. Sa lungsod na ito ako nag-kaisip at natuto ng maraming bagay. Advance ang teknolohiya dito. Kung gusto mong mamili ng mga damit o di kaya’y mamasyal, andyan ang mga mall. Kung gusto mong mamasyal na may kasamang mga rides,andyan ang iba’t-ibang amusement parks. Marami akong mga kinasanayang bagay. Sa bahay pa lang sanay akong nagsasaing gamit ang rice cooker. Sa pagluluto andyan ang gas at stove. Depende din sa mga lulutuin mo kung anong klase ng mga kaldero at sandok ang gagamitin mo. Nandyan ang refrigerator,microwave,oven toaster,washing machine. Mga bagay na magpapadali sa mga gawain natin sa araw-araw. Andyan ang t.v,stereo,computer,laptop,psp at kung anu-ano pa kung gusto mo maglibang sa bahay. Kung trip mong mamasyal sakay ka ng taxi,jeep,tricycle,bus,Lrt o kaya ay Mrt para mabilis. Kapag nagugutom ako,magluluto ako kung ano mang ulam ang nasa ref. O di kaya ay magbubukas ng delata. Lahat yan nakasanayan ko na sa loob ng labing walong taon ko dito sa lungsod. Tulad ngayon,nakakapag blog ako kapag wala akong magawa. Mahirap alisin ang mga bagay na nakasanayan mo na. Sabay sa uso ang mga tao dito sa lungsod. Usong damit,sapatos,music,gadgets ang kung anu-ano pang nauuso. Englishan there,englishan here and everywhere. Kpop here,kpop there,kpop everywhere. Naisip ko lang paano kaya kung magbago ang mundo ko at hindi ko na magagawa at magagamit ang mga ito. Masasanay din kaya ako?

Ang Magiging Mundo ko sa Probinsya.

           Dipolog,Zamboanga Del Norte. Dito ang probinsya ni mama. Dati kapag nakakapanood ako ng mga movies na ang lokasyon ay sa probinsya,namamangha ako kasi maganda ang bahay kahit yari lang sa kawayan,kogon o dikaya ay bato. Basta sobrang ganda ng paligid. Noong nagbakasyon kami dito,nagtagal din kami ng halos dalawang linggo. Sakay ng barko,pilit kong iniisip ang itsura ng aming probinsya,dahil sa unang punta ko,kung kaya’t sobrang kinakabahan ako. Pagkadating namin sa pantalan sumakay kami ng fx. Mga dalawang oras din ang byahe. Tapos nakarating na kami sa terminal. Akala ko malapit na kami. Kailangan pa palang sumakay ng motor. Oo tama,motor nga. Isang oras ang byahe noon dahil paakyat kami ng bundok. Habang ang mga bagahe namin ay nakasakay sa tricycle. Paano kami nagkasya sa motor? Malamang tatlong motor ang gamit dahil anim kami. Yun nga. Dahil sa gumagabi na nahirapan na din akong makita ang paligid na dinadaanan namin. Maputik at mabato. Hindi siya sementado tulad ng nakasanyan ko. Sa sobrang pagod nakatulog na ako agad. Para sa maikling pagsasalaysay, sa taas ng bundok ang aming bahay. Paano ang naging sitwasyon ko doon? Dahil sa sanay na si mama doon. Nahirapan ako pati ang mga kasama namin. Gusto mong maligo? Kailangan mong maglakad ng 15 minutes papunta sa isang bukal at doon ang kuhaan ng tubig. Walang CR kaya doon kana din maliligo. Pati paglalaba doon na din. Kaya bagong paligo ka na nga pagdating mo ng bahay pawisan ka na agad. Tambaka ng labahan mo,kailangan mong bitbitin papunta doon,nakakapagod kasi pataas ang daanan. In short pataas ka ng bundok. Nagugutom ka? Bawal ang choosy. Nanghuhuli sila ng isda sa umaga para yun na ang ulam hanggang hapunan.   May tanim naman na mga gulay sa bakuran at may sariling lupang sakahan ng bigas kaya walang problema sa pagkain. What you see is what you get. Kung anong nakahain yun lang ang kainin. Trip mo mag meryenda? Apat na choices lang yan. Mais,saging na saba,kamote at kamoteng kahoy. Naboboring ka? Andyan ang radyo. Yun lang ang meron. Don’t worry may electric fan naman. Ang mahirap lang kung walang kuryente. Dahil sa mahirap ang buhay doon kung kaya’t kadalasan wala talagang kuryente. Gasera lang at pamaypay. Naghahanap ka ng kachikahan? Wag ka nang umasa. Wala kaming kapit bahay. Kung iisipin parang nasa liblib na lugar ang aming bahay. Kung may kapit bahay man,bababa kapa ng konti sa bundok. Nasa liblib din sila kaya kung di ka sanay doon maliligaw ka. Nappalibutan ang bahay namin ng puno ng niyog at saging. May alaga kaming tatlong baboy,apat na kalabaw at isang baka. Minsan binebenta nila ang mga biik para pandagdag sa budget. Dahil sa mahilig akong magluto sanay ako na may kagamitan. Iisang kaldero lang ang meron. Kung kaya’t kung dalawang putahe lulutuin mo,pagtapos mong magluto sa una,hugasan mo ulit para sa pangalawa. Naghahanap ka ng pampalasa ng putahe mo? Asin lang katapat niyan. Yun lang ang meron. Makakakain ka lang ng karne doon pag may okasyon. Trip mong mag cellphone? Wag na! Mahirap ang signal doon. Try and tested ko na doon. Lowbatt ka? Malas mo. Walang ngang kuryente diba? Sa radyo? De baterya naman yun. Gusto mong mamasyal sa bayan? Okay lang naman. Kaya lang siguraduhin mong may motor na magbababa sayo kasi kung lalakarin mo yun aba isang oras din yun. Kung kabisado mo ang daan. Hindi naman kasi yun tuwid na daan nuh! Kumbaga nag mountain hiking ka at ngayon ay pababa ka na. Swerte naman at may motor kami. Maaring maligaw ka kasi eh. Gusto mong mag-aral? Nasa bayan lang din yan kaya lalakarin mo talaga yun sa araw-araw. Gusto mong bumili ng kendi,wala po kaming tindahan na katabi at malapit. Marami pa yan,mahirap lang ipaliwanag.

Oo,maganda sa probinsya. Ngunit para sa akin mahirap. Bakit? Kasi hindi ako sanay. Kasi napakalayo nito kumpara sa nakasanyan kong buhay sa lungsod. Hindi sanay magluto na may mga panggatong,maligo sa tabi ng bukal. Maglalakad ng napakalayo para lang makapaglaba. Magluto na asin lang ang panimpla. Kung may pera ka may kuryente ka. Ang hirap ng signal sa cellphone. Walang tindahan na mapaglolodan. Walang computer,may laptop man wala ngang kuryente. Walang tv. Puro isda,gulay. Maaring maarte na ang maituturing nyo sa akin. Pero anong magagawa ko? Iba ang nakasanayan ko? Oo,siguro nga makakaya kong mabuhay sa probinsya tulad ng aking ina. Pero it takes so many times bago ako masanay dito. Pero kung kinakailangang balikan ko ang mundong inabandona ko,sasanayin ko ang sarili ko. Mamahalin ko kung ano ang meron doon tulad ng sa lungsod. Nakaya ng pamilya ni mama na mamuhay doon pwes makakaya ko din. Pero kung papipiliin man ako mas gusto ko sa lungsod. Maraming beses pa akong babalik doon upang bisitahin ang mga taong nagsasabing marami akong matututunang bago sa lugar na iyon. Na pwede ko pang matutuhang i-appreciate ang mga bagay na naroroon. 

Pagibig sa Magkabilang Daigdig.

Magkkwento na ulit ako. Wala na akong maisip na magandang i-post kaya magkkwento muna ako ng mga naging experience ko. Wag mong basahin kung ayaw mo.

Whenever you make me smile, I never miss to put it somewhere in my heart and if ever I find myself lonely, I would scan my heart to remind me of the times I felt important because of you. 

Nung second year high school ako uso pa dati yung textmate na yan. Yung tipong manghihingi ka pa nga ng ka txtmate sa kaklase mo,at ang reason mo eh dahil sa sayang ang load mo kung wala ka namang ka text. Section two ako nun habang yung bestfriend ko naman ay nasa section 10. May classmate siya na crush ko that time. Close sila kaya naging friend ko din. Then ayun nga binigay pala nung crush ko yung number ko dun sa pinsan niya na taga Ilocos Sur. Nainis ako that time pero dahil din sa naka plan yung smart ko kaya matagal tagal din akong may load which is nasasayang lang. To make this long story short, Nathan ang name niya at matanda siya ng dalawang taon sa akin and almost two years kaming naging mag katext. Nanligaw din siya sa text nun. That time akala ko trip lang niya yun kaya sinakyan ko lang siya. Tumagal nga yun ng dalawang taon. May monthsary,aniversary pero never pa kami nagkita nun. Akala ko trip lang niya talaga. Pero kasi kahit papaano may effort akong nararamdaman. Updated ako lagi tungkol sa kanya. Pag papasok siya sa school magpapapaalam pa sa akin. Nakakausap ko din parents niya pati mga kapatid niya. Ang alam kasi nila Gf ako ni nathan at close kami ng pamangkin nila na si julius (yung crush ko na classmate ni bestfriend). Anak nga tawag sa akin ng parents niya eh. Minsan kinausap ko siya ng seryoso. Kung seryoso ba siya sa pinaggagawa niya. Sabi ko na alam naman niya na hindi pa kami nagkikita at still textmates pa din ang tawag sa aming dalawa. Hindi pa daw siya makaluwas ng maynila kasi wala pa siyang pera at nag-aaral pa siya. Ayun tuloy tuloy lang ang life,nagtetext kami, nagtatawagan. Wala nga lang siyang Facebook nun kasi hindi daw siya marunong. Probinsyano eh. Nakaramdam ako ng pagkasawa nun kasi puro text lang. Natutunan ko ding ma appreciate yung konting effort na nangyayari. Seryoso DAW siya eh pero napaka big deal pa din sa akin yung distance namin,buti sana kung nagkita na kami eh hindi pa eh. Hanggang sa ayun nung nag graduate na ako ng highschool hindi ko na siya natext. Kasi nawala din cellphone ko nun tapos nag-iba na daw ng number si nathan. Naisip ko baka nga trip lang niya yun. Pero di rin biro yung two years na katext nu. Hanggang sa yun umuwi pala siya ng maynila para magbakasyon at hanapin din daw ako. May boyfriend na ako nung nagkita kami. Itsura niya? Ayos lang,cute nga eh. Super tangkad pa. Halatang nerdy one. Pero sobrang nagulat ako nung bigla siyang yumakap sa akin tapos sabi niya,“Ikaw pala yung babaeng minahal ko sa matagal na panahon.yung babaeng minahal ko sa kabila ng mga bundok at dagat na nakaharang. Magkaiba nga tayo ng mundo.” 


Aantayin daw niya ako. Pero sabi ko,kung bigyan ka ng panahon na mag ka Gf at matagpuano mo yun,wag mo nang pakawalan kasi minsan lang magbigay ng swerte si lord. Kaya i grab mo na agad. Hanggang ngayon tinetext pa din niya ako. Nag u-update pa din. Pero friends lang kami. Aminin ko bata lang din naman ako nun kaya madaling kiligin at maniwala sa mga ganun. Pero kahit bata ako nun mas takot pa din ako masaktan. Kaya siguro di ko masyadon sineryoso yung mga bagay na yun noon na di ko alam seryoso pa la siya at hahanapin pa ako dito sa maynila. Naramdaman ko sa kanya na importanteng tao ako. Mabait siyang lalaki. Swerte ng babae sa kanya. Ngayon nasa probinsya na ulit sya. Nag-aaral and still searching for the right girl.