Tag Archives: best friends

Assuming ka kasi.

Sino bang nagsabi sayo na mahalin mo ako? Assuming ka kasi.

sa sa mga pinaka masakit eh yung masabihan ka ng ganito. Yung tipong nagbibigay siya ng dahilan para mag assume ka. Yung tipong mukha na nga kayong M.U na dalawa. Tapos bigla ka na lang nyang ku-kwestyunin ng ganito? Sakit diba? Wala lang,nagkwento kasi yung bestfriend ko tapos todo iyak siya. Gusto ko lang din i share sa inyo. Ito yung convo nilang dalawa. 

HIM: Mahal? Sino ba may sabi sa iyo na mahalin mo ako? Ang hirap kasi sayo assuming ka masyado. Tapos pag nasasaktan ka sisisihin mo ako? 

HER: So trip mo lang pala lahat? Trip mong yayain ako sa labas at sasabihin mong date natin yun,trip mo na mag i love you? Trip mong makipag bonding sa family ko? Trip mong sabihin sa kanila na liligawan mo ako? Trip mong ipakilala ako sa family mo at sabihing nililigawan mo ako? Tapos ako pa sasabihin mong assuming? Ano ba dapat kong isipin nun?

HIM: Problema mo na yan. Ang bilis mo kasing ma fall. Konting landi lang sayo kilig ka agad. 

HER: Eh gago ka pala eh. Paasa ka lang.

Di ko alam kung anong ico-comment ko that time pero naiinis din ako ng sobra. Parang kasi dapat hindi siya nagpapakita ng motibo kung wala naman siyang balak gawin yun. I mean kung ganun din naman gagawin sa akin makakapag isip din ako ng ganun bagay. Kung wala kang balak seryosohin ang isang bagay wag mo na lang ipagpatuloy kasi may masasaktan lang.

Advertisements

Bestfriends.

Anong klaseng bestfriend meron ako? Hmm. Siya yung bstfrnd na alam kung paano ako pangingitiin,patatawanin at pakikiligin. Magkapatid turingan namin. Halos tatlong taon na din kaming mag bstfrnds. Pero yung pinaka una ko siyang makilala sobrang crush ko siya nun. As in. Yung tipong inlove agad agad. ahaha xD Paano ba naman kasi naturingan na gwapo eh ubod naman ng bait. Di suplado at saka mayabang. May pagka sensitive,family oriented,medyo religious,walang bisyo at stick to one. Pero dati babaero daw yan. Eh wala naman ako masabi kasi nga nasa itsura naman eh. Natauhan lang daw yan dahil dun sa first gf niya na di siya sineryoso. Tapos nagbalak sana yan magpari kaya lang wa epek. Friendly siya kaya naman naging mag friends kami. Barkada kasi siya ng half brother ko. So pag barkada laging nasa bahay. Nung una hiyang hiya talaga ako. Pero dumating yung time na mas nakilala ko pa ang mga ugali niya. Dumating din yung time na mas naging close kami. Pag nagkakaproblema siya, lagi siyang nagkkwento. Kuya pa nga dati tawag ko sa kanya. Tapos ganun din ako. Natawag namin ang isa’t-isa as bstfrnds dahil sa tatlong taon na yun eh lahat ng characteristics ng mag bstfrnds eh meron kami. Close kami pareho safamily ng isa’t-isa. Lalo pa nung lumipat ng bahay ang family niya sa tabi ng bahay namin. Halos magkanda sayaw sayaw kami sa sobrang tuwa na lagi na kaming makakagala at magksama. Syempre andun ang tampuhan at galit. Na akala mo eh mag syota lang na nag-aaway. Kahit na dumadating kami sa mga serious relationships namin eh andyan kami para sa isa’t-isa pero syempre we know are limits para walang selos na nagaganap. At until now na siya ay single na naman at ako ay si Ms. Tanga kay bf again eh andtio pa din kami for each other. Bakit di ko naisip dati pa na magiging kami or magkakagusto siya sa akin? Well di kami bagay. Gwapo siya tapos ako ganito lang. Hindi naman sa minamaliit ko itsura ko pero yun na ang tinatak ko sa isipan ko sa matagal na panahon. Hanggang bestfriends lang at wala ng lalabis pa. Hindi dahil sa itsura o ano pa man pero alam ko na sa ganitong paraan eh magtatagal ang pagsasamahan na meron kami ngayon.