Tag Archives: stupid love 2

Stupid things I do for Love II.

“As in? Ginawa ko ba talaga yun? Oo,carol,ginawa mo nga yun. Tanga!”.

Hindi ko pa na try na bumyahe sa isang napaka layong lugar. As in malayo. Province to be specific. Eh kahit nga taga Qc ako basta di ko alam ang lugar di talaga ako pumupunta na ako lang mag-isa. Kahit may mapa pa ako o google map man yan,ayoko talaga. Natatakot akong maligaw mag-isa. Pero hinarap ko yang takot na yan nung in a relationship ako 1 year and 4 months ng nakalilipas. Biruin mo from Qc to Cebu? Oo,tama,cebu nga. Jusko, nung una nagdadalawang isip ako. Kaya lang napapunta din ako.

Pero bakit nga ba ako napunta doon?

Ehkasi ganito yun, yung ex ko doon nag bakasyon. Almost 1 month daw siyang pinag s-stay ng parents niya doon. Syempre pumayag ako kasi alam ko na namimiss lang naman nila ang anak nila. Simula ng umuwi siya doon,lumipas na ang isang dalawang linggo eh hindi siya nagpaparamdam. Syempre nag-alala ako ng bongga nun. Then all of a sudden tumawag yung brother niya at nasa ospital da si ex. May asthma kasi yun eh. Naka confine na daw for three days. So ayun nga naka usap ko siya,boses pa lang niya feel ko na nanghihina talaga siya. Wala man lang akong magawa that time. Lumipas ang isang linggo ulit. Sabi ng mama niya medyo malala daw kaya baka magtagal pa daw si ex doon. Ayun nagkausap nga kami then gusto niya na pumunta ako doon. Nung una nagdadalawang isip ako kasi natatakot nga ako. So ayun,nung pumayag ako binigyan niya ako ng guides para makapunta doon. Kung ano ang dapat kong sakyan at saan pupunta. To make this long stupid story short,naging walang kwenta ang pagpunta ko doon. Pagkadating ko sa ospital, naabutan ko kuya niya na nagaayos na ng gamit. Wala na si ex doon. Sabi niya umuwi na daw sa bahay nila. Maayos na daw ang lagay niya. Sinama ako sa bahay nila at ayun nagkita kami. Naabutan ko siya nun na kakwentuhan yung isang babae. Ang pakilala niya childhood friend daw niya. Dama ko ang pagiging super close nila. Na O.P ako ng sobra. Na ramdaman ko na naging walang kwenta ang punta ko doon.

Dapat 4 days ang stay ko doon kasi akala ko naka confine siya kasi sabi ng mama niya medyo malala at sabi naman ni ex di na daw niya kaya kung kaya nag-alala ako ng sobra. Anong nangyari habang nag stay ako doon? Ayun todo pakilala sa akin dun sa childhood friend niya. Namiss daw niya ako pero laging kaharutan yung friend niya kuno. Laging ipinagmamalaki sa akin yung friend niya. Parang wala nga siyang sakit eh. Naging 3 days lang ang stay ko doon. Nainis na rin ako at nasaktan that time. Nung nag pasya na akong umalis,tinanong niya ako kung bakit daw,kesyo nagseselos daw ako,ayaw ko ba daw siyang kasama,nagsisisi ba daw ako at nagpunta ako sa malayo para sa kanya. Para lang akong isang bulkang gusto ng sumabog dahil sa pagiging kalmado ng ilang beses. Tanging nasabi ko lang…

“Masaya ako. Masaya ako kasi kasama kita ngayon. Pero mas nangingibabaw ang sakit at galit. Naiinis ako kasi nag effort ako pumunta dito dahil akala ko kung napaano ka na. Nag-aalala ako sa kalagayan mo. Tapos dadatnan kita na parang isang bulate na di mapakali? Na parang di ka nagkasakit? At alam mo kung ano ang masakit doon? Nag effort ako pumunta dito para makita ka pero ano? Yang childhood friend mo ang iniintindi mo! Ni kumustahin ang byahe ko di mo nga nagawang itanong! Mas inuna mo pang ipakilala yang friend mo kesa ipakilala ako na hindi mo nga nagawa. Pinapamukha mo masyado sa akin yang friend mo!! Sa sobrang close nyo na o O.P ako! Masakit lang!!.”

End of the drama mode…


Hinabol naman niya ako nyan pero mas nanaig ang pride nya na hayaan ako dahil di ko daw siya maintindihan. Di ba niya alam na nahirapan ako pumunta doon? Na muntik pa akong maligaw? Na nilalagnat ako noong time na yun? Oo,maysakit ako nun pero naglakas loob ako dahil alam ko na mas nahihirapan siya. Pero nagkamali ako. Ang tanga ko. Napunta sa wala ang effort ko.

Advertisements