Tag Archives: kaibigan

Simple lang naman gusto ko…

magkaroon pa ng maraming kaibigan. Yung tipong nasasabihan mo ng problema. Yung kaibigan na tanggap kung sino ako,kung anong pag-uugali mayroon ako. Marami kasing klase ang kaibigan. Mayroong kaibigan sa kasiyahan,kaibigan pag may kailangan sayo,kaibigan pag may makakasama at makakausap. Para kasi sa akin ang kaibigan eh yung tao na nasa likod mo lang pag depressed ka at magpapalakas ng loob mo. Siya yung taong hindi mag aatubiling magsabi kung tama ba o mali ang ginagawa mo. Yung taong tutulong sayo ng walang kapalit,taong mait-treasured mo habang ika’y nabubuhay. Makakahanap kaya ako ng ganyan ?

Advertisements

Kaibigan..

Image

Masarap magkaroon ng kaibigan. Yung nasasabihan mo ng mga problema tapos bibigyan ka nila ng advise. Yung pinapangiti ka pag alam nila na badtrip ka. yung tutulungan ka nila sa problema mo at di kanila hahayaan na mag-isa. Pero sa sitwasyon ko, marami na akong na experience na klase ng mga kaibigan na masasabi kong hindi bagay na tawaging kaibigan. Marami akong naging kaibigan nung elementary ako.Section 1 ako nun at same pa din ang classmates ko since grade 4 kami. Kaya ang tawag namin sa section namin noon ay solidong uno. Syempre uso noon ang group work. Uso din noon ang grupo grupo. Grupo ng nerds,grupo ng mga babaeng mukhang clown,grupo ng mga lalaking  mahilig sa computer games. Sobrang close ko ang section ko nun kaya naman wala akong dahilan para umabsent sa klase. Hanggang sa sumapit ang graduation namin. Nagkaroon kami ng party nung gabi at nagpaalamanan kami. Sabi ng class president namin,”nagsamasama tayo ng tatlong taon at alam ko na ngayon ay magkakahiwahiwalay na tayo,sana ay maging magkakaibigan pa din tayo.” Tapos ayun nag promise kaming lahat na magkakaibigan pa din kami hanggang sa huli. Tapos ngayon 2012 na marami sa kanila ay nakakasalubong ko pa pero hindi na namamansin. Naisip ko lang may mga kaibigan na panandalian lang. Kaibigan mo siya ngayon,sa susunod hindi na. Kaibigan ka niya kasi may kailangan siya pero pag wala na,snob na siya. Kahit yung mga naging kaibigan ko sa high school halos walo na lang ata ang close ko sa kanila. Ganun lang din ang nangyai,snob to the max. Mahirap talagang makahanap ng totoong kaibigan ngayon. Kaya swerte mo kung makahanap ka,kumbaga sa relationship,wag mo ng pakawalan yan.