Tag Archives: god

Walang masama sa Pagpapakatotoo.

Hindi ako relihiyosang babae katulad ng mga matatanda na nakikita ko sa simbahan. Pero malaki ang takot ko sa panginoon. Minulat ako ng lola at mga magulang ko na may takot sa diyos. Apat ang ninong ko. Tatlong paring dominikano na ngayon ay naninilbihan sa mga unibersidad dito sa maynila. Ang isa naman ay paring heswita. Tatlo naman ang ninang ko ang dalawa ay madre na ngayon ay nasa kumbento at ang isa naman ay doktora. Aminin ko,sobrang na astigan ako nung makilala ko silang lahat nung last birthday ko. Laging sinasabi sa akin nina mama at papa na kailangan maging mabait ako. Gusto pa nga ni mama na maging madre ako someday. Sabi nila edi masyado ka nang banal niyan dahil puro alagad ng diyos ang ninang at ninong mo? Sa totoo lang blessing sila sa akin. Everytime na may problema ako sa kanila ako tumatakbo. Pero it doesn’t mean na banal na ako. Sabi ko nga hindi ako relihiyosa. Ngunit may takot ako sa diyos. Tipikal lang ako na teenager. Nagsisimba tuwing linggo. Umaatend ng novena pag may oras. Nagrorosaryo sa bahay pag umapak na ang ika tatlo ng hapon. Parte lang yun ng pananalig ko sa kanya. Namulat at nasanay ako sa ganung gawain. Hindi din naman ako plastik o pakitang tao. Pag tinamad ako magsimba tuwing linggo,hindi talaga ako pumupunta. Ayoko din na pinipilit ako magsimba porke linggo gayong ayaw ko,dahil naniniwala ako na nagsisimba tayo dahil bukal sa ating kalooban. Hindi dahil sa napilitan lamang o sa kung anu pa mang rason. Masaya ako na magkaroon ng ninong at ninang na katulad nila. Mulat ako sa mga bagay pang ispiritwal. Sabi nga hindi mo ikaka banal ang pakikinig ng hillsongs o kung anu pa man. Pero anong magagawa mo kung mahilig siyang makinig ng ganun at nararamdaman niya ang bawat salita na kanyang sinasambit mula sa kanta. Tulad ko na mahilig makinig sa kpop at jpop, nakikinig din ako ng mga church songs mga awit ng BUKAS PALAD CHOIR AT HIMIG HESWITA. Hindi para ipamukha na banal akong tao kundi ito ang mga awiting nagpapagaan ng aking kalooban. Na hindi ako nagiisa andyan si God. Sa totoo lang, noong una na kokornihan ako kapag yung mga tao ay umiiyak habang nagdadasal. Iniisip ko na napaka O.A nila masyado. Nagpapapansin lamang. Pero doon ko napagtanto na mali ako. Dahil minsan ko na itong naranasan. Nang magkaroon ng malaking dagok ang aming pamilya,ni kaibigan at kamag anak at walang tumulong. Tanging sa diyos na lang ang takbo ko. Oo maaaring napapanood mo na ang ganitong scenario sa mga palabas na umiiyak ang babae/lalaki habang naka luhod sa chapel o simbahan. Pero believe me pag nagkaroon ka ng malaking problema sa kanya ka din tatakbo. Nang mangyari to sa akin inaamin ko maliit ang pananampalataya ko sa kanya. Tayong mga tao kasi nakakaalala lang tayong magdasal pag may problema o may kailangan tayo sa kanya. Which is dati ganun ako. Tanging dasal at iyak ang nasambit ko sa kanya. Na para bang pagod na ako at tila sumusuko sa hirap. Pero naisip ko na kumapit sa kanya. Di naman ako nagkamali tinulungan pa din niya kami. Doon ako natutong magpasalamat sa kanya sa araw-araw. Sabi ko nga dati maniniwala lang ako sa kanya pag may nasaksihan akong himala. Pero dun ko na realize na sobrang dami na niyang napakita na himala,bulag lamang tayo. Hindi ko sinasabing magpakabanal tayo. Dahil walang silbi ang pagiging maka diyos mo kung puro pakitang tao lamang ito. Alam mo ang obligasyon mo bilang kristiyano ng bansang ito. Ang kailangan mo lamang ay magkaroon ng faith sa kanya. Kapit ka lang di ka niya bibitawan. Promise.

Advertisements