Category Archives: Uncategorized

Kandidato Collectibles.

So kumusta naman ang semana santa nyo? Ako,ayun super daming ginawa pero masaya din naman. At marami akong na tutunan. Anyway,bukod doon,nakakatuwa lang na sabay ang fiesta namin dito sa aming barangay at ng easter sunday kaya double celebration kami. Pero mas nakapukaw ng aming pansin ang sandamakmak na kandidato na nakiparty sa amin. Actually taon taon naman talaga na ganyan eh lalo na’t papalapit na ang election.May mga jingles na mapapasayaw at mapapakanta ka. Pero mas nakapukaw sa pansin ko ang pamimigay nila ng mga gamit na may pagmumukha nila. Naalala ko nung isang taon,halos makaipon ako ng mga ballers,sumbrero,payong,damit,poster,tarpaulin, pamaypay,flyers at maliit na sabon na pinamimigay ng mga kandidato. Actually inipon ko talaga yun. hahaha. Souvenir kumbaga. Tapos nung linggo lang nagsidatingan ang mga nangangandidato. Nagpamudmod ng mga kagamitan na akala mo eh wala kami nun. Nag door to door pa sila. At dahil sina mama at papa ay mahilig magpatuloy ng mga kandidato na yan eh nababahaginan tuloy kami ng collectibles nila. Sabi ni mama,paraan daw yun para malaman at masuri nila kung sino ang dapat iboto. Simula nung linggo hanggang ngayon, may tatlong payong,sampung baller,apat na pamaypay,pitong damit at isang box ng sabon na ang natatanggap ko buhat sa mga kandidato. Sa isip isip ko, kung items lang to ng mga kpop members nakipag agawan na ako. Kaya lang ano namang mapapala ko sa mga items na to? 

Teka saan kaya nila kinukuha ang budget pang paggawa ng mga items na to. At pag naluklok na ba sila sa inaasam nilang pwesto magpapamudmod pa rin ba sila nito? Oh makikipag hide seek na sila sa mga taong bumoto sa kanila? Abangan…

The Ondoy Experience.

Image

Foundation day sa school namin. I was in third year high school that time. Actually sa apat na taon kong paglalagi sa eskwelahan na yon ay never kaming nakaranas na mag celebrate ng foundation day na maaraw. Palaging inuulan ang okasyon na to. Nung mga araw na yon,kasadsagan ng parade namin eh umaambon na. Pero dahil sa nasimulan na ang parada eh tinuloy na lang namin. Dahil sa scout ako,kelangan na sumama din ako. Nang makarating na kami sa school biglang lumakas ang hangin kaya napagpasyahan na sa social hall na lang ituloy ang program. Para sa  mga kasali sa contests eh ayos lang basta matuloy ang program. Pero sa nakararami lalo na sa akin eh mukhang mahirap ata yun. Bakit kamo? Hindi kalalkihan ang social hall. Kung iistimahin ay halos limang section lang ang kasya kung may upuan,kasama na rina ng mga vip guest. Pero kung nakaupo lang sa sahig at inspired ka sa sardinas para ipagsiksikan mo sarili mo sa mga katabi mo eh kasya na ang walong section. Pero kulang pa din eh. Ang foundation day ay para sa lahat ng estudyante at guro. Paano makakalahok ang iba kung walang maayos na pagdadausan ng program.

Nung mga oras na yon ay nasa labas lang ako para mag assist ng mga guest na kailangang payungan at alaayan dahil maulan. Mga ilang oras lamang ay lumakas na ng lumakas ang ulan. Hindi pa masyadong napapansin ng iba dahil aliw na aliw sa program pero dahil sa nasa labas ako at dakilang alalay eh nangamba na ako na baka bumigay ang payong ko at baka bigla na lamang itong liparin. Tanging dasal na lang na sana ay huminto na ito pag-uwi namin. Lumipas pa ang ilang oras eh tila wala talagang pag-asa na titila pa ito dahil palakas na ng palakas. Oras na rin noon ng uwian namin. Ang iba ay wala ng pakielam kung mabasa,ang iba ay tuluyan ng naligo sa ulan. Masaya pa nga sila eh. Kaya lang naisip ko,kung gagaya ako sa kanila,paano ang mga gamit ko na hindi pwedeng mabasa? Paglabas namin ng gate,nagulat ako ng baha na sa harap nito. Ngayon ko lang nakita na bumaha doon. Hindi ganun kataas pero akala ko doon lang yon.

Lakad ng lakad sabay akyat sa foot bridge. Doon nagising ang diwa ko. Diyos ko,abot bewang na ang baha! Mga pangamba na,”Paano ako makakauwi?,”Paano ko susuungin yan?”,Paano kung bigla na lang akong mahulog sa bukas na manhole?”. Dasal na lang ang masasabi ko ng mga oras na yon. Siguro dahil first time kong malagay sa ganoong sitwasyon kaya sobrang kaba ang nararamdaman ko. Nilagay ko sa aking ulo ang aking bag para sa mabasa. Ang mga lugar na dinadaanan ko palagi ay mas malalim pa pala. Habang ang tubig sa highway ay hanggang bewang lamang. Hindi ko tlaga alam ang gagawin ko noon dahil wala nmang masasakyan,lahat ng tao ay naglalakad. From sm north hanggang del monte ave. Nilakad ko yan. Buti na lang at may isang mabait na babae na lumapit sa akin at tinulungan ako. Pinakapit niya ako sa mga braso niya at pinasunod sa mga nilalakaran niya para hindi daw ako mapaano. Mahaba habang kwentuhan ang nangyari sa amin noon. Iwas sa malalim na parte,muntikang mahulog sa manhole,namulikat ang paa at napunta sa malalim na parte para lang makaiwas sa mga bukas na manhole. Hindi ko akalain na dadanasin ko ito.

Nang mkarating na kami sa destinasyon namin ay naghiwalay na kami ng daan. Wala ng tubig sa parte na yon. Nakahinga ako ng maluwag. Doon ay nakita kong inaantay ako ng tatay ko. Akala ko ay ligtas na ako sa baha. Yun pala ay hindi pa. Dahil sa may dadaanan kaming creek na sobrang umaapaw na at malakas ang agos na animo’y nasa ilog ay minabuting sunduin na daw ako ng tatay ko. Kapit lang ng mahigpit sa lubid at makakaraos din. Halos 2 minutes na pagtawid at ayos na din. Pagdating sa street namin ay nagulat ako,umapaw din ang creek na nasa dulo ng street namin. Kaya pala pinasok ang loob ng bahay namin. Buti na lang at hindi mataas at hindi na kinailangan maglikas ng mga kagamitan. Agad akong naligo at nag-ayos para tumulong na maglinis ng bahay. Nanatili ang malakas na ulan at hangin. Brownout at walang cable ng ilang araw. Tanging ang stock na mga pagkain na lamang ang kinakain namin.

Nang nagkaroon ng pagkakataon na ako’y makalabas ng bahay ay agad kong sinuri ang paligid. Bagsak na mga puno. Buhol-buhol na kable ng kuryente. Mga tanggal na yero sa bubong,mga natanggal na halaman,mga nagliparan na poster na nakasabit sa mga kable,mga saradong tindahan. Grabe ang dinulot ng bagyo. Para sa akin ito ang pinaka memorable na pangyayari sa akin. Pero naisip ko lang,ilang bagyo pa ba ang kailangang ipatikim ng kalikasan sa atin para mamulat tayo sa mga maling pangangalaga sa kapaligiran natin? Saka pa ba tayo matututo pag huli na ang lahat? Habang may pagkakataon pa ay dapat kumilos para hindi nasa huli ang pagsisisi.

What a Day!

Kumusta araw ko? Jusko uber stress ang binigay sakin. Starting from 8am ng umaga umalis na ako bahay para kumuha ng mga kung anu-anong papeles. Tapos pagdating ng 12noon eh sinamahan ko si lola sa medical center manila. Pagkatapos ng almost one hour na traffic eh sa wakas makakapagpahinga na ako sa de aircon na gusali. Sakto pang huli sa mga pasyente si lola. Mga pang pito ata siya nun. Naisip ko na makakaidlip ako ng konti sabay soundtrip. Halos tatlong oras din ang inilagi namin doon bago makaalis sa ospital. Diretso foodtrip kami sa wendy’s. Nung papauwi na kami,para akong sinalang sa kumukulong kaldero na mga ilang minuto lang eh nilagyan ng malamig na tubig. Biruin mo babad ako sa initan buong araw. Sabay salang sa aircon. Paglabas sa ospital grabe ang sikat ng araw na parang sinusunog ang katawang lupa ko. Tapos pagtapos namin kumain,sakto pagsakay sa jeep biglang buhos ng malakas na ulan! Na may kasamang akala mo eh ipo-ipo ng hangin! And yes,kahit nasa loob kana ng jeep eh basa kapa rin. Galing nga eh. Grabe yung amoy ng lansangan. Pinaghalong alimuom at usok ng mga sasakyan. Sobrang sakit ng ulo ko nun at latang lata ang pakiramdam ko. Pero kailangan kong maging malakas dahil alalay ako ni lola. Hindi dapat pa pettiks-petiks dahil hindi ako ang aalalayan. Hay. Tapos dahil dyan sa pastilan na ulan na yan eh inabot kami ng dalawang oras dahil sa super duper mega traffic at baha. Pagdating ng bahay eh pinasok ko ka agad si lola sa loob at sabay higa sa kama. Sobrang sakit ng ulo ko kanina. 

Tapos itong si mama nag-kwento na umulan daw ng yelo dito kanina. Na amazed ako. Hiniling ko pa na sana magkaganon ulit. Kaya lang wag na lang baka kasi perwisyo sa iba. Kaya lang gusto ko talagang masaksihan ang ganong mga pangyayari eh. 

Why not coconut?

Nasa 4th year high school ako noon nung pagawin kami ng aming guro ng sarili naming kwento. Kahit anong genre basta sariling gawa namin. Wala akong maisip nung mga oras na yon dahil naguguluhan ako. Una dahil may trenta minuto lang kami para gumawa. Napaka on the spot. Pagkatapos eh napaka ingay ng paligid dahil sa mga parang pwet ng manok ang bunganga ng mga kaklase ko. Pangatlo,masyado akong maraming naiisip to the point na di ko na alam kung paano ko sisimulan. Pero buti na lang at nakaisip din ako. Sa awa ng diyos eh nakakuha ako ng mataas na marka. Nakakatuwa ang komento ng aking guro sa aking storya. Mala telenovela daw at mukhang hango sa totoong buhay. Simula noon na inspired akong gumawa ng mga kwento. Mga kwentong kathang isip at galing sa imahinasyon at ang iba naman ay hango sa totoong buhay. Tanging ang notebook ko lang noon ang palagi kong hawak hawak sa bahay at naging libangan ko na siya. Halos dalawampung storya na ang nagagawa ko. May tungkol sa pag-ibig,pamilya,mahika,katatakutan,pagkakaibigan at kung anu-ano pa. Hindi naman ako isang magaling na writer pero nakahiligan ko lang talaga. Naisip ko na i-post dito ang ilan sa mga storyang ginawa ko. Mukhang mahaba-habang oras ang gugugulin ko sa pag t-type pero sana nga eh magawa ko siya dito at maipamahagi sa iba. Ano sa tingin niyo?

May shota kana, tas nanliligaw kapa sa iba?

May ma post lang 🙂

Yung tipong gusto atang manghakot par amarmaing karelasyon? I’ve encounter this situation many times (naks.umi-ingles na ako.) Parang di kuntento sa isa. Like my first bf, matagal tagal na din kami nun. Tapos wala naman akong nakikitang problem sa relationship namin. Tinatanong ko siya minsan kung okay kami,oo naman daw. And months goes by,biglang malalaman ko na may other woman pala siya. Ako kasi yung tipo ng babae na sobrang serious once na papasok sa isang relationship. Hindi uso sa akin yung trip trip lang na kunwari kami or what. Serious relationship talaga ang pinapasok ko. And that time sobrang nawindang ako nung malaman ko yun. It’s like kung hindi ko pa malalaman sa kapatid niya eh siguro nagmumukha na akong tanga habang tumatagal ang relationship namin. That time nine months na kami at sila nung girl eh two months na. Grabe lang. Tapos tinanong ko siya kung bakit niya nagawa,eh kesyo ganito ganyan ugali ko. Marami iyang nireklamo that time. Katulad ng sinabi ko,tinanong ko siya if may problema siya sa akin,pero wala naman daw. Hindi naman ako manghuhula para malaman if may problema siya sa akin. Pag nararamdaman ko,tinatanong ko siya pero laging wala ang tugon niya.  

Hindi ko lang maintindihan kung bakit hindi makuntento ang iba sa ka relationship nila. Para bang ganun kadali sa kanila na mang-iwan na lang ng basta-basta. Sakit lang nun eh. 

Parang ako ngayon….

Kung sa tingin mo hindi nag work ang mga plinano mo para sa pangarap mo,eh di mag plan ka ulit. Plan lang ng plan. Walang mawawala kung hindi susubok ulit. Magsimula ka man sa maliit,lalaki din yan. Malay mo dyan sa maliit na yan nakatago ang pinakaaasam mong pangarap,namili ka lang ng mas malaki kaya nalampasan mo siya. Parang ako ngayon, hindi man matutuloy ang unang plinano ko eh di gawa na lang ulit ako ng Plan B tapos pag di ulit nag work Plan C naman hanggang sa matapos ko ang lahat ng letters sa alphabet. Sabi nga try ang try until you succeed. 

Image

True #1.

True #1.

Image

True.

Bakit nga ba ako nagba-Blog?

Dahil masaya ako at pakiramdam ko ay malaya ako. Hindi ako kumportable mag ingles dito dahil una sa lahat hindi ako ganun ka fluent at baka lalo kayong ma nose bleed dahil sa pag i-ingles ko sa kadahilanang hindi maintindihan. Pangalawa, hindi ako gumagamit ng mga malalalim na salita or kahit ano mang talinghaga. Dahil hindi naman ako professional writer at hobby ko alng talaga. Pero bakit nga ba ako nag b-blog? KASIYAHAN. Ito yung nararamdaman ko sa tuwing nagb-blog ako. Katumbas ito ng ligayang nararamdaman ko sa tuwing nakatatanggap ako ng mga regalo o di kaya’y yung feeling na nakuha ko na ang sweldo ko. Pangalawa, KALAYAAN. Kalayaan na ilabas ang feelings o mood na meron ka. Hindi mo kelangang makipag plastikan pa. Yung tipong ang sarap mag blog kapag inspired ka dahil sa relationship mo o di kaya’y may bumuo ng araw mo at dahil sa halos gusto ng sumabog ng puso mo sa sobrang saya at kilig ay diretso blog ka. Kasama na rin doon ang pagbibigay mo ng opinyon sa kung ano mang issue ang napagu-usapan. Pero sabi nga think before you click. Kaya ako nag b-blog ako dahil masaya at malaya ako. Yun naman ang mahalaga diba? Gawin ang nakapagpapasaya sayo? Pagb-blog ang isa sa mga nakapagpapagaan,nakapagpapasaya,nakapagpapa-aliw sa buhay ko ngayon.

 

 

.. “ang post na ito ay sagot sa Hoshi’s Blog Life Contest” ng kwentotpaniniwalanihitokirihoshi.wordpress.com”.

Date a Guy Who Knows How to Open a De Lata..

..without the use of an abrelata. Successfully opening a de lata without the aid of an abrelata manifests how madiskarte he is in facing situations that has no easy and usual solutions in sight – a trait that makes a man a good and responsible provider.

Date a guy who knows what an abrelata is. Knowing what an abrelata is reflects how fully aware he is in his surroundings, especially in their kitchen, which one day will be both yours – an assurance that he’s paying attention to little details, which is instumental in reaching goals.

Date a guy who knows how to cook rice…without using the rice cooker. Aside from being economically-practical, knowing how to saing-saing sa kalan requires waiting for the perfect time when to set the fire on high, medium, and low – which develops natural knowledge on the art of perfect timing. And that’s the most important thing in sexy time.

Date a guy who knows how to saing-saing in the kalan. It just manifests how well-focused he is despite doing something else. Otherwise, aside from overconsuming the LPG, the rice will get tutong-ized. This attitude shows how caring and responsible he still is to you despite separately living his life as a member of his family of origin and/or as an individual busy reaching his aspirations in life.

Date a guy who knows how to do things manually. In every harsh and complex situaion that we’re into, we often forget how to make things easy and simple. We often forget that what matters most is the basic: love. So date a guy whom you love. Leave the ‘get-to-know’ part in friendship.Treat the dating stage as sacred. Go through the right process, though it consumes much time and effort. Only then you will realize its true worth. Only then you will feel that it’s all worth it..

..just like what it feels after opening a de lata without the comfort and ease brought by the use of an abrelata.