Tag Archives: at last

Ganun talaga pag naka move on na- magsisi siya ngayon.

Eh napadaan ako sa factory ng tela kung saan nagt-trabaho dati yung ex ko. (oo mas matanda kasi yun sa akin ng 4 years.) Tapos nakita ko yung ibang katrabaho niya doon. Eh sa dati nung kami pa nung ex ko,lagi akong nandoon tuwing breaktime kasi nga dinadalhan ko siya ng lunch at dinner niya. Nakilala ko na halos lahat ng kaibigan niya doon pati yung manager at iba pang boss nila. Natuwa din sila sa akin nun kasi naiinggit daw sila na may babae pa daw na nagdadala ng pagkain sa bf niya eh malayo daw bahay ko. Bunso tawag nila sa akin doon,kaya kanina nung napadaan ako doon eh wagas kung makabati sila,sakto breaktime nila noon at ang unang nangumusta sa akin eh yung manager nila. 

Manager: bunso,kumusta ka na? Napadaan ka? Tagal ka na namin di nakita.

Me: ayos lang po ako sir. Malapit lang po kasi dito yung pinuntahan ko. Oo,nga po matagal-tagal na tayong di nagkita,syempre wala na naman akong dahilan para bumalik dito. 

Manager: walang dahilan? Nakakatampo naman tong bunso namin. Eh paano naman kami? Friends tayo diba? Hayaan mo na ex mo. 

Me: haha. Syempre iba naman po ngayon. 

Manager: haha. blooming si bunso. Ganyan talaga pag naka move on na. Magsisi siya ngayon. Hala sige rampa ka doon sa loob. Namiss ka ng mga kuya at ate mo.

Me: hala si sir. Maloko pa din. Salamat na lang po hindi na ako makikigulo. Puntahan ko na alng po sila sa stockroom.

Nakakatuwa lang noon na hindi pa din nila ako nakakalimutan. Naka bonding ko kasi sila nung nag bakasyon ang buong workers nila sa abucay bataan. Tapos sinama ako ng ex ko noon kaya nagka bonding din kaming lahat. Tapos supplier din sila ng ninang ko sa business nila kaya medyo close kami. Yun nga nung pumunta ako sa stockroom kung saan kumakain na sila ng lunch,sobrang na overwhelmed ako sa bati nila sa akin. Natutuwa ako sa iba’t-ibang tawag nila sa akin. Merong bunso,anak,apo,singkit at choi. 

(W stands for worker)

W1: Bunso,blooming tayo ah. 

Me: syempre teh ganun talaga.

W1: ganun talaga pag naka move on na?

Me: tumpak! hahaha. Si sir nagsabi nun ah. 

W2: buti napadaan ka dito.

Me: namiss ko kayo eh. haha De asa naman kayo malapit lang kasi dito yung pinuntahan ko kaya ganun. Kung pwede lang iwasan tong lugar na to eh. haha.

W3: may galit ka sa amin apo? 

Me: haha joke lang po. Syempre namiss ko talaga kayo wala lang talagang dahilan para pumunta pa ako dito araw-araw. 

W2: edi pwede na kitang ligawan niyan? (in a serious tone)

Me: haha. di pwede tol, wala sa isip ko yan. Mahirap na baka maloko ulit.

Medyo napahaba ang usapan namin noon,halos 30 minutes din dahil start na ulit ng trabaho nila. Habang tinitingnan ko yung itsura ng ex ko nun. Gusto kong matawa. Parang nagulat siya na naiinis nun. Kaya nauna siyang umalis sa kanila. Walkout daw. haha. Bago ako umalis nun nagpaalam muna ako sa kanila saka kay manager. Pero sa totoo lang sobra akong natuwa sa kanila kasi importante pa din pala ako sa kanila. Pero yung mas nakakatuwa pa doon? Kinagabihan nagtext si ex. Sabi niya…

Ex: kung ikaw naka move on na ako hindi pa.

Me: sus. gusto mo turuan pa kita. 

Ex: naka move on ka na nga.

Me: gusto mong ulit-ulitin ko pa para ma absorb niyang utak mo?

Ex: mag-aantay pa din ako.

Me: saan sa bago kong lovelife? Baka masaktan ka nyan.

Ex: masyado naman to. 

Me: haha. harsh ba masyado? sorry naman. Natuwa lang ako.

Natuwa ako sa sarili ko na sa last text nang ex ko eh balewala na sa akin. Hindi katulad ng dati na konting paawa effect niya eh bumibigay na ako. Buti na lang at naka move on na ako. 

Advertisements