Tag Archives: ngiti

Ngiti.

Images

Kung pwede lang na idaan sa ngiti ang lahat, para wala ng magkikimkim ng sama ng loob sa puso at isip nila. Kaya lang paano mo naman magagawang ngumiti kung wala ka namang pinanghuhugutan? Bakit ka ba ngumingiti? Kasi talagang masaya ka? O dahil lang sa alam mo na kung idadaan mo lang sa ngiti ang problema mo eh mawawala agad ito. Sabi nga,wala kang tunay na ngting maipapakita kung wala kang kasiyahan na pinanghuhugutan. Kadalasan nating niloloko ang sarili natin sa pamamagitan ng pag-ngiti. Kasi mas madaling itago ang sakit na nararamdaman sa pamamagitan ng ngiti. Pero para sa akin ang hirap ng ganitong sitwasyon. Yung tipong nasasaktan ka na at gusto mo ng umiyak pero nandoon yung iniisip mo na para saan pa ang pag-iyak ko? Ma iistress lang ako. Kaya idadaan mo na lang sa ngiti ang lahat. Oo,alam ko may mga bagay bagay na dapat na lang nating ngitian. Mga problema na madali lang solusyonan at di na dapat problemahin pa. Pero may mga bagay din naman na hindi lang basta basta maghihilom ng dahil lang sa pag-ngiti. Maaring may mga ganong tao pero sa aking posisyon bilang taong nakaranas ng masaktan at ilang beses na niloloko ang sarili ng dahil sa pag-ngiti, mahirap po. 

Advertisements