Tag Archives: senti

Napapagod na din ako…

Nakakapagod. Yun yung tanging nararamdaman ko sa araw araw na ginawa ng diyos. Yun yung nararamdaman ko na hindi niya napapansin sa akin. Yung tipong kung hindi mo pa aalugin ang utak niya,hindi ito gagana ng kusa. Yung tipong pa easy easy lang siya sa relationship nammin habang ako nawiwindang,nagaalala at nagtataka. Nawiwindang sa kakaisip kung kumusta na ba siya,okay lang ba siya,may problema kaya siya? Pero ang tanong,ganun din kaya siya sa akin? Masakit pag nalaman mo ang kasagutan niya,pero minsan kahit hindi niya sabihin eh nasasaktan kana dahil pinaparamdam niya sayo mismo na hindi kana importante sa kanya. Yung tipong kukumustahin ka lang niya pag naisipan niya,pero pag hindi mo siya kinumusta ng isang buong araw,siya ang magagalit sayo. Napakagulo niya. Minsan kung anu-anong negatibong akusasyon ang naiisip ko laban sa kanya. Di ko maiwasan,hindi sa wala akong tiwala sa kanya. Napakagulo ng utak niya. Pero alam ko din naman ang sasabihin o ang nasa isip ng mga mambabasa (kung meron man) na, bakit hindi ko pa iwan? Na bakit pa ako nagpapakatiis sa kanya kung nahihirapan na ako. Ganun talaga eh pag mahal mo nagmumukha ka ng tanga. Ayaw mong papaniwalain ang sarili mo na wala na talaga. Hayaan niyo matatauhan din ako. :))

Advertisements

Memories.

Lonely is the night when I’m not with you
Lonely is the night ain’t no light shining through
Till you’re in my arms till you’re here by my side
Lonely am I ..

Kahit sabihin mong naka move on ka na talaga,hindi mo maiiwasan na maalala ang mga oras na kasama mo siya. Katulad ko ngayon. Oo,hindi pa ako totally moved on. Pero malaking bagay na sa akin yung hindi ko na siya hinahanap hanap at palaging naaalala pero tama rin pala na minsan darating din sa punto na maaalala mo yung iba’t ibang parte ng memories ninyong dalawa na masaya…
Kasama ng pinsan ko dito sa bahay kanina yung boyfriend niya. Dahil sa walang pasok silang dalawa kanina naisipan nila na tumambay dito sa bahay. Nagdala din sila ng meryenda at mga horror CD. Habang ako gumagawa ng project ko at ng kapatid ko. Naisipan ko na sumali sa panonood dahil nga sa paborito ko ang horror movies. Pero syempre di maiiwasan na masaksihan ko ang lambingan ant kulitan nila na natural alng naman dahil nga sa sila’y magkasintahan. Habang ako patay malisya na lang na focus sa panonood. Biglang sumagi sa isip ko na, “Dati ganito din kami,habang tambay sa bahay ni bf,nanonood ng horror,ako naman ay lumalamon sa tabi. Bigla na lang niya akong kukulitin o di kaya’y sisiksik siya sa akin dahil sa natatakot na siya. Pero lahat ng yoon ay nakalipas na.” Habang nakatabi ako sa kanila na sa tingin ko ay hindi na na susubaybayan ang palabas,minabuti ko na humiwalay na lang sa kanila dahil marami akong alaala na naaalala. Pero hindi naman yun naging dahilan upang lumungkot ang aking aura. Bagkus naging dahilan ito upang tumingin sa hinaharap na naniniwalang may darating pa sa buhay ko na higit pa sa dating nakilala ko. 🙂

Underneath this smile.

sa kabila ng mga pag ngiti ko dito nagtatago ang mga sakit na nararamdaman ko. Ako kasi yung taong mahilig sa salitang “okay lang ako”. Okay kahit hindi naman talaga. Madaling sabihin pero mahirap panindigan. Minsan ang pag ngiti ay isang paraan para itago ang tunay mong nararamdaman lalo na pag masakit ito. Katulad ngayon,mas pinipili ko na lang ngumiti kesa sa magmukmok ako dito sa tabi.