Tag Archives: GOSPEL LUKE 3:10-18

Can we be generous enough to lend our whole being to God?

The challenge Christmas poses on us is this: Jesus wants to conquer evil. But he can only do so through people who believe in him, and who allow him to be the power in this world through their lives by living his values, mentality and lifestyle. Can we be generous enough to lend our whole being to God?

Maganda ang naging homiliya ng aming parish priest kanina sa simbang gabi. Dahilan upang hindi ako antukin at mas makinig pa. Gusto ko lang i share yung mga natutunan ko buhat sa pakikinig kanina. 

And the crowds asked him, “What then should we do?” He said to them in reply, “Whoever has two tunics should share with the person who has none. And whoever has food should do likewise.”Even tax collectors came to be baptized and they said to him, “Teacher, what should we do?”  He answered them, “Stop collecting more than what is prescribed.”Soldiers also asked him, “And what is it that we should do?” He told them, “Do not practice extortion, do not falsely accuse anyone, and be satisfied with your wages.” 

Marami ang lumapit at nagtanong kay juan bautista sa kasadsagan ng bagba-bautismo. Mga simpleng tao,mga taga kolekta ng buwis at mga sundalo ang lumapit sa kanya na may parehong tanong. “Ano ang dapat naming gawin?”. Simple lang din ang naging sagot niya sa mga tao. “Kung sino man ang may dalawa o sobrang pagkain ay dapat bigyan ang walang makain.” “Wag kang mangolekta ng sosobra sa  dapat na kolektahin” ang sagot naman niya sa mga taga kolekta ng buwis. “Wag kayong mangotong,wag mambintang agad-agad at makuntento sa inyong mga sahod”,ang sagot naman niya sa mga sundalo. Tunay nga naman na sapol tayo sa kasulatan na nasa bibliya. Sa panahon ngayon laganap na ang mga ganyang gawain. Mga pulitiko na gumiginhawa ang buhay samantalang ang mga taong pinaglilingkiran niya ay naghihirap. Mga taong hayok sa pera at nakagagawa ng kamalian dahil lang dito. Ang diyos lamang ang may pangako na hindi napapako. Tutuparin ng diyos ang pangako niya sa atin. Iniimbitahan tayo na gawin ang tama at wag gawin ang di tama. Tutuparin niya ang pangako niya sa atin kaya tama lang na gawin natin ang tama at iwasan ang mali. 

Advertisements