Tag Archives: love

Unconditional Love.

“Parents were the only ones obligated to love you; from the rest of the world you had to earn it.” 

Matagal ko nang natagpuan yan. At hanggang ngayon ramdam na ramdam ko pa din. Salamat kay mama at papa dahil hindi sila nagsawa sa pagmamahal sakin pati na rin sa aking mga kapatid. Tinanggap nila ang pagiging masungit ko,katigasan ng ulo at pasaway. Tinanggap nila ako ng buong buo. Tinanggap nila ang mlahat ng kahinaan ko. Na kahit mali ako pinaparamdam nila na may matatakbuhan ako,may masasabihan ako ng problema,meron akong spiritual adviser. At sila yon. Para talaga sa akin,sila ang hero ko. Hero sa totoong buhay. Walang costume. Walang superpowers. Pero sa totoong buhay? Kalinga at pagmamahal ang kanilang superpowers. At naniniwala ako na walang magulang ang naghahangad na mapasama ang kanilang mga anak. Maaaring para sa atin may mga advice sila na negative sa ating pandinig. Pero bandang huli,doon mo marerealize at masasabi sa sarili mo na,”Oo nga. Tama si mama at papa.” Kaya dapat suklian natin ang lahat ng ginagawa nila para sa atin. Hindi naman kailangan ng mga materyal na bagay. Plus points na lang yun. Ang mahalaga ay bigyan natin sila nang pagmamahal,pag-aalaga at paggalang sa kanila.

Advertisements