Tag Archives: gala kamo

Paglalakbay.

Ako yung tipo ng tao na pag may pamasahe kung saan saan nagpupunta,lalo na pag walang magawa sa bahay. Minsan pag may sapat na pamasahe ako,pumupunta ako Quiapo Church. Naglalakad lakad ako dun,syempre pumupunta rin sa simbahan. Nakaka amazed kasi na kung iisipin mo magulo ang paligid ng Quiapo pero taimtim naman ang loob ng simbahan. Minsan nakakarating naman ako sa sta.cruz at recto. Pati na rin sa divisoria. Wala, naglalakad lakad lang ako dun. Ako kasi yung tao na hindi napapagod maglakad. Nag eenjoy ako sa ganung trip. Tapos ang bagsak ko na nun ay mall,sabay kain narin. hehe xD Hindi ako gala. Wala din naman kasi akong barkada kaya walang nagyayaya gumala. Pero hindi talaga ako mahilig gumala kahit yayain pa ako. Minsan lang ako lumalabas ng bahay. It’s either may kailangang bilhin,tinatamad ako sa bahay o di kaya’y papasok sa school. :))

Mala Dora the explorer peg ko :))

Advertisements