Tag Archives: family

I Love You para sa Lahat.

Laging may nag sesend ng text message sa akin na may I LOVE YOU.

hehe.tama. sabi nila masarap daw sa feeling pag i g-greet ka ng bf/gf mo ng goodmorning with i love you pa. Opo. tama naman eh. Yung paggising mo pa lang sa umaga may konting kilig with matching smile ka pa. Pero sabi naman ng ga loveless nakakamiss daw yung ganun. Yung wala ng magtetext sayo ng goodmorning with i love you. 

Sa akin meron lagi. Madami nga sila eh. Ang kaibahan lang hindi ko siya bf/m.u/flirt o ano pa man. 

Mama’s text message (goodmorning nak,ingat sa school ha wag puro gala galore. i love you galing samin ng papa mo)

Younger sister’s text message (meow,meow,tiktilaok. gising na ate tinanghali ka na naman ng gising nasa school na ako. punasan ang laway. i love you ate ko.)

Younger bro’s text message (hoy ate,sana maganda araw mo. yun lang. 143.)

haha.oh diba? SERIOUSLY. ganyan lagi text nila sa akin. Kapag may pasok ako sa umaga ganyan text sa akin ni mama. Yung sis ko pag wala akong pasok ganun ang text sa akin kasi tanghali na ako magising. yung kapatid ko na lalaki. Jusko hingi lang ng load yun kaya ganun pero i appreciate naman lahat ng msgs nya sa akin.

Kuntento na ako sa kanila. Kahit na broken hearted ka magagawa ka pa rin nilang pasayahin. Kaya para sa akin kahit wala ka mang bf/gf para magsabi niyan sayo,andyan naman family mo. Kahit unlimited I LOVE YOU pa gusto mo.

Advertisements

Mga Anak ng Rehas.

“I have no idea whether parents can be of help, and I do not blame mine. It was my own affair to come to terms with myself and to find my own way, and like most well-brought-up children, I managed it badly.”

Lumaki ako sa tabi ng mga magulang ko. And until now i know na di ko pa din kaya na mahiwalay sa kanila. Though alam ko na andyan lang sila lagi para sa akin. Si jessa classmate ko nung 3rd year hs ako,hindi kami ganun ka close pero i’m happy na she trusted me especially sa pagkkwento niya about her personal life. Simple girl lang naman si jessa wala siyang close sa mga classmates namin. Nagkaroon lang ako ng bonding time with her nung ginawa ko siyang secretary sa grupo ko in T.L.E. Minsan nakakasama ko siya sa bahay everytime na may reports kami at siya yung laging katulong ko. She told me about her parents. Yung papa niya nakakulong daw kasi nakipag basag ulo tapos may aksidenteng nasaksak. Yung mama naman niya nagkakatulong sa makati. Nagulat lang ako. Nahihiya daw siyang malaman ng mga ka klase naman kaya wala siyang ka close. Naiinggit daw siya nung marinig niya mama ko na pinagsasabihan ako na umuwi ng maaga and nung marinig niya papa ko na sinasabihan akong mag-iingat sa lakad ko. Apat daw silang magkakapatid. Pangalawa siya. Matagal na daw nakakulong papa niya. Matagal daw yun kasi namatay yung aksidenteng nasaksak ng papa niya. Oo,masarap daw na wala kang magulang sa tabi kasi walang nagbabawal sayo na gumala,umuwi ng gabi,manermon,mag-utos. Pero sobrang hirap daw na walang magulang dahil hindi mo na e-enjoy ang pagiging bata. Part na ng pagiging bata ang msermonan ka ng magulang mo. Dahil pag nagka-asawa kana,nandun yung bubukod ka na at may sarili ka ng pamilya. Sa kabila ng mga panenermon nila nandun yung feeling na inaalala ka nila. Yung papayuhan ka pag may problema ka. Kahit matigas ang ulo mo at sobrang pasaway ka,at the end mahal na mahal ka pa din nila. Sila yung mga tao na kahit ano kapa garantisadong tanggap ka nila. Ang buhay ni jessa ay napaka kumplikado. Parehong nasa rehas ang mga magulang niya. Ang tatay niya ay nasa rehas ng mundong tanging mga preso lamang ang nakakakita,habang ang ina naman niya ay nasa rehas ng mundo kung saan ibang pamilya ang pinagsisilbihan niya. At si jessa ang gumaganap bilang magulang sa dalawa pa niyang kapatid,habang ang panganay ay may sariling pamilya na din. Sa isip-isip ko,napaka swerte ko pala. Na kahit ganun ang mga magulang ko,alam kong kabutihan lang ang nais nila para sa akin. Tiyak yun. Ayokong dumating pa sa punto na pag mawala na sila ay saka ko lang malalaman ang halaga nila. Ayoko kasi sobrang sakit nun. Ang swerte ko talaga.

Pamilyang Suportado,tiyak ako’y Aasenso.

Pag suportado ka ng family mo at relatives magagawa mo ang mga gusto mo lalo pa’t pabor sa kanila yon. Tulad ng sa estado ko ngayon. Marami akong tita, mula sa nanay ko na may limang babae. At sa side naman ng papa ko na may anim na babae. Marami di akong tito nuh. Simula kay mama na may anim na lalaki at sa side ni papa na may tatlong lalaki. Marami kasi silang magkakapatid. Sa side ni papa unfortunately hindi sila magkakasundo lahat. Una dahil nagkawatak watak sila ng relihiyon. Yung iba ay islam at muslim. Ang karamihan ay inglesia. Oo,alam natin na hindi big deal yon para maging ganun ang pakikitungo nila sa isa’t-isa pero para sa kanila ay malaki ang kahalagahan nun at wala akong magagawa tungkol dun. Pero masaya naman dahil hindi ito naging hadlang upang maging malayo ang aming loob sa kanila dahil super close namin. Dahil sa mahilig ako sa music. Sinosoportahan ako ng auntie ko (pangatlo kina papa) sa mga gamit ko na related to music. Sinabi  ko nga nung una na hindi ko naman ito kurso para pagkagastusan pa ako ng bongga pero dahil sa mahilig siya sa music at mga pinsan ko ay music ang forte,gusto daw niya na masanay pa daw ako. Kaya blessed ako dahil nagkakaroon ako ng mga instrumento ng dahil sa kanya. Sa side naman ni mama, ang uncle ko naman (panganay kina mama) ang nag p-provide sa akin ng mga gamit pang drawing. Haha. Nakakatuwa nga kasi sinasama niya ako sa gastusin niya sa anak niya na architecture ang kurso. Eh napakalayo nito sa kurso kong HRM. Gusto daw niya na masanay daw ako at malinang ko pa ito. Kaya halos pareho kami ng gamit ng anak niya na yung iba ay di ko alam gamitin kaya tinago ko muna. Habang si mama naman syempre sinusuportahan ako sa pagluluto. Cookbooks at kung anu-ano pang gamit pang kusina ang binibili para makapagsanay ako. Korean cuisine talaga ang forte ko. Pero syempre di naman puro pagluluto lang ang matututunan sa HRM. Masaya ako kasi sinusuportahan nila ang mga bagay na meron ako o sabihin na nating talento. Na may tiwala sila na kaya kong gawin ang mga bagay na ito. Thank you Lord kasi binigyan mo ako ng mga telents na pwede kong maipagmalaki.