Tag Archives: guitar

Random Fact #1

RF: Pag interesado akong matutunan ang isang bagay,pinag-aaralan ko talaga ng maigi.

Ganun ako eh. Ang hilig ko lang talaga eh magluto at mag drawing. Pero since nung nagkaroon ako ng mga classmate nung highschool na mga talented, nainggit ako. Buti pa sila marunong ng ganito/ganyan. Una yung classmate ko na marunong mag gitara. Eh hindi ako marunong nun sa nagpaturo ako sa kanya. Hanggang sa determinado talaga akong matuto kaya pati sa pinsan ko nagpaturo ako. Dumating yung time na ako naman ang tumutugtog sa klase pag wala sa teacher. After nun nung nasali ako sa listahan ng kailangan maghabol ng grades sa MAPEH. That time kasi lagi akong absent dahil sa sakit ko. It’s either Choir o Gardening ang pinapipili sa amin para makadagdag grade daw. Inisip ko na mapapagod ako lalo pag gardening though mahilig ako dun kasi ako lagi nag aayos ng garden namin sa bahay. Pero pinili ko ang pag c-choir. Elib na elib ako dun sa lalaki na super galing mag piano. Simula nun kinaibigan ko yun tapos nagpaturo ako. Pero medyo minalas ako nun at hindi ko masyadong na gets yun kaya almost 4 months bago ko matutunan. Then dumating yung time na pag may mass sa school ako ang tumutugtog. Marami pa akong gustong matutunan. Though hindi ako ganun ka hilig sa music pero love ko siya. Nakakatuwa lang kasi everytime na tumutugtog ako sa kwarto ko nakakagaan ng pakiramdam. Ang saya sa feeling. Pag gusto ko talagang matutunan ang isang bagay pinagsusumikapan ko talagang malaman.

Advertisements