Tag Archives: lent season

Konting mensahe.

Nag start na ang Lent Season. Kumusta naman ang pagce-celebrate niyo ng ash wednesday? Ako? Sad to say pero di ako nakapag simba. Actually di ko pa kasi alam kung saan dito ang malapit na catholic church. Instead naglaan nalang ako ng oras para magdasal. Diyan na papasok ang fasting and abstinence.

“Itong fasting na ito ay talagang may elemento ng pagdidisiplina sa sarili upang sa pagdisiplina para sa sarili lalo na sa pagkain ako ay aasa sa Diyos, ang kalooban niya ang maging pagkain ng aking buhay at kung mayroon man tayong kakaing bahagi ng fasting ay ibahagi mo naman sa iba,”

“Ang fasting ay hindi yung makakatipid ako ngayon kasi isa lang ang meal ko. Yung matitipid ninyo sa ibang meals ibigay sa iba, ialay sa iba.” –Archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle

But the most powerful of all is prayer. Ayon sa Roman Catholic Liturgical Calendar eh malapit na ang holy week. Pero sa panahon ngayon,bukod sa pag-iisip at pagbabalak sa mga gawaing pang valentines, naisip niyo na ba maglaan ng day of repentance? Siguro para sa iba masyadong banal ang mga sinasabi ko pero pinalaki at sinanay ako ng mga magulang ko na ganito na hindi man sobrang banal na tao eh alam ko kung paano magpapasalamat sa diyos,siguro para akin eto ang way ko,at alam ko na ang iba eh may kanya kanyang paraan din. Pero sana wag nating kalimutang pasalamatan ang diyos. Sabi nga ang diyos ay kahit kailan hindi sumuko sa atin. Tayo ang sumuko sa kanya. Repentance. Pagsisisi. Paghingi ng kapatawaran. God simply asks us to turn. This is the way we accept His gift. Laging nagpapatawad ang Diyos. Wag lang natin siyang kalimutan.  Godbless everyone!

 

Advertisements