Tag Archives: about me

Ako to,ganito ako,tanggapin mo.

Ako to eh,dapat tanggap mo ako. Dapat nung una pa lang aware ka na sa ugali ko. Isa to sa mga issues namin dalawa (bf). Even my friends. Ano nga ba mga ugali ko..

*mahiyain

*nasa loob ang kulo

*tahimik

*madaling kausap

Yan lang naman ugali ko. Kadalasan mas napapansin yan ng bestfriend ko. Yung tipong bigla akong mananahimik tapos hindi na magsasalita. Ibig sabihin lang nun either galit ako or di ako agree sa sinasabi ng iba. Nasa loob ang kulo ko. Pero depende din naman yun. Minsan ayoko ng pag usapan pa ang problema para hindi humantong sa away. Minsan naman mas gusto kong pag usapan lalo na’t alam ko na kumplikado na ito. Madali akong kausap. Kung ayaw mo di wag mo. Mahiyain din naman ako. Mga 90% kung ir-rate natin.Marami din nagsasabi na minsan baguhin ko daw ugali ko kung gusto ko daw na magustuhan ako ng ibang tao. Sabi ko naman,”Ayokong magbago para lang magustuhan ako ng isang tao,gusto ko tanggap niya ang ugali ko.” Alam ko na i cannot please everybody. Ang akin lang,nakilala ninyo akong ganito sana tanggapin niyo ako.

Advertisements

Random Fact #2

RF: Ipinagluluto ko ang mga special friends ko. haha.

Ewan ko ba sa sarili ko. Mahilig talaga ako magluto. Cook ako dito sa bahay. Pero nasanay na din ako na kung sino sino pinagluluto ko. Pero hindi naman kasali ang strangers. Madalas kong ipagluto yung mga special friends ko. Syempre yung favorite nila. After nun puro pambobola na sinasabi nila as a sign of thank you. haha.xD Sweet ako eh. Bakit ba?

Random Fact #1

RF: Pag interesado akong matutunan ang isang bagay,pinag-aaralan ko talaga ng maigi.

Ganun ako eh. Ang hilig ko lang talaga eh magluto at mag drawing. Pero since nung nagkaroon ako ng mga classmate nung highschool na mga talented, nainggit ako. Buti pa sila marunong ng ganito/ganyan. Una yung classmate ko na marunong mag gitara. Eh hindi ako marunong nun sa nagpaturo ako sa kanya. Hanggang sa determinado talaga akong matuto kaya pati sa pinsan ko nagpaturo ako. Dumating yung time na ako naman ang tumutugtog sa klase pag wala sa teacher. After nun nung nasali ako sa listahan ng kailangan maghabol ng grades sa MAPEH. That time kasi lagi akong absent dahil sa sakit ko. It’s either Choir o Gardening ang pinapipili sa amin para makadagdag grade daw. Inisip ko na mapapagod ako lalo pag gardening though mahilig ako dun kasi ako lagi nag aayos ng garden namin sa bahay. Pero pinili ko ang pag c-choir. Elib na elib ako dun sa lalaki na super galing mag piano. Simula nun kinaibigan ko yun tapos nagpaturo ako. Pero medyo minalas ako nun at hindi ko masyadong na gets yun kaya almost 4 months bago ko matutunan. Then dumating yung time na pag may mass sa school ako ang tumutugtog. Marami pa akong gustong matutunan. Though hindi ako ganun ka hilig sa music pero love ko siya. Nakakatuwa lang kasi everytime na tumutugtog ako sa kwarto ko nakakagaan ng pakiramdam. Ang saya sa feeling. Pag gusto ko talagang matutunan ang isang bagay pinagsusumikapan ko talagang malaman.