Tag Archives: lumalablayp

Iba ang Dati sa Ngayon.

Dati wala akong pakielam sa love love na yan. Kahit nung elementary pa ako ay exposed na ako sa mga ganyang bagay. Lagi ko na lang sinasabi na “ang bata bata pa ninyo paglalandian na ang inaatupag nyo,eh yung grades nyo naaasikaso ba?” Sabi nila man hater lang daw kasi ako kaya ako ganun. Ewan ko din eh pero wala talaga akong pakielam sa mga love na yan, DATI. Nung highschool ako nandun na yung mga classmate ko eh magkakarelasyon din. Pagpasok mo sa umaga tatambad na lang yung mga mag syota na akala mo mga linta sa sobrang lagkit ng tinginan at yakapan. Pag wala naman si teacher lingon ka lang sa sulok andun sila naghahalikan. Pumi-pbb teens din sila. Naiirita ako sa ganun,kaya kadalasan nasa labas lang ako ng classroom tambay sa hagdan o di kaya sa hallway. Sabi naman nila,wala ka kasing bf kaya di mo pa nararamdaman ang kilig at landi factor. Hahaha xD Tama naman sila wala naman akong bf that time. Eh simula’t sapol namulat na ako a mundo na ang maganda ay para sa gwapo at ang pangit ay para sa pangit. Yun naman talaga eh. Pero Ngayon,iba na. Dun ko na naintindihan yung mga bagay na di ko lubos maunawaan dati. Masarap sa feeling na ramdam mo sa partner mo na safe ka sakanya,na mahalaga ka sa kanya,na karapat-dapat mo siyang pagkatiwalaan, na andyan lang sya parati sa tabi mo. Unti unti ko ng nauunawaan ang mga bagay-bagay na kinaiinisan ko dati. Siguro nga dati wala pa kasi akong partner para maramdaman ko ang nararamdaman din ng mga ka klase ko dati. And oo masarap talaga sa feeling. Ibang sarap tinutukoy ko ha! 

Advertisements

Matatauhan din ako.

Mahal pa kita ngayon, antay ka lang,matatauhan din ako.

Oo mahal ko pa siya,pero nasa stage na naman ako ng pag m-move on. Syempre mahirap pero yun lang ang paraan para hindi na ako paulit-ulit masaktan. Sabi nga mahirap magmove-on pero hindi imposible. Sabi din,mahalaga ang closure sa pagm-move on. Paano mo nga naman magagawang mag move-on kung lagi mo siyang nakikita? Buti na lang ako, hindi ako nasa sitwasyon na ganun dahil malayo siya sa akin. Wala na akong contacts niya dahil nagpalit na din siya ng number. Wala namang facebook yung tao na yun dahil matagal ng nag deactivate. Malaking tulong sa akin yun para makapag move on. Intay intay na lang ulit ng bagong lovelife. Sa ngayon study first muna. 

Bakit ngayon pa?

Kainis. Oo naiinis ako. Nag m-move-on na ako diba? Bakit gumaganyan ganyan ka sakin ngayon? Bakit ngayon pa kung kailan kakalimutan na kita? Nananadya ka ba? Bakit di mo ginawa yan dati? Nakakainis ka. Anong gusto mong ipamukha sa akin? Na mali ang naging desisyon ko na iwan ka dahil napaka walang kwenta mong tao? Gusto mong maniwala ako na nagbago ka na? Pero bakit ngayon pa kung kailan handa na akong kalimutan ka? Masaya na ako sa buhay ko ngayon,na back to normal ulit ang takbo ng mundo ko. Na hindi na ako umiiyak gabi-gabi ng dahil lang sa kapabayaan mo. Bakit ngayon pa kung kailan natututunan na kitang alisin sa buhay ko? Letche ka! Ano ba kasing plano mo? Tama na please. Tama na yang pakitang tao mo. Wag mong ipamukha sa akin na nagbago ka na at gagawin mo ang lahat para di na ako masaktan ulit kasi naaawa na ako sa sarili ko eh. Nang dahil sayo nakalimutan ko ng mahalin ang sarili ko,ang mga taong nasa paligid ko,lalo na ang pamilya ko. Nagbulag-bulagan ako sa lahat ng bagay na alam kong ikabubuti ko pero iniwasan ko pa din masunod lamang ang gusto mo. Iwanan mo na ako. Tama na. Pagod na ako. Wag kang umakto na para bang ikaw ang perfect na boyfriend na dapat kong panghinayangan. Oras na para mahalin ko naman ang sarili ko sa pagkakataon na ito. 

Dear Ate Charo,

Image

Sa sobrang saklap ng lovelife ko pwede ng pang mmk ang storya. Dati nung wala pa akong bf masaya naman ako eh. Kuntento na ako sa mga lovestories na napapanood ko sa movies or teleseryes at mga nababasa ko sa pocketbook dati. Daily routine ko ang pasok sa school sabay uwi ng bahay dahil hindi talaga ako mahilig gumala dahil wala rin naman akong barkada. Kuntento na ako noon na nagkkwento sa akin yung mga pinsan at friends ko about their lovelife na hindi man lang ako naiinggit. Sabi ko na lang,kung darating man sa akin yan at bibigyan ako ni lord,well salamat. Mamahalin ko siya sa paraang alam ko. Pero kung hindi naman,salamat pa din dahil alam ko na hinahanda pa ni god ang right guy para sa akin. Pero nung nagka boyfriend ako sobrang daming nagbago sa akin,sa buhay ko. Hindi na ako tulad ng dati. Natutunan ko din dito yung kinukwento dati ng mga pinsan kong babae sa akin,na iiyak at iiyak ka talaga to the point na makakatulog ka na lang ng di mo namamalayan,at pagising mo malungkot ka pa din na parang may continuation pa ang luha mo. Dito ko din natutunan na hindi lahat ng inaadvice ko dati sa kanila ay ma-aaply ko sa sarili ko,kasi mahirap at hindi ganun kadali. Sobrang daming nagbago sa akin at feeling ko mas nag matured ako dahil dito. Hindi ko naman ginusto na maging masakit at malungkot ang kahahantungan ng relationship status ko. Sino bang may gusto na hindi mag tagal ang relasyon diba? Kaya lang masakit pag pinilit pa lalo na pag nasasaktan kana at nakakalimutan mo ng mahalin ang sarili mo. Sana pag nagka relationship ulit ako,yung pangmatagalan.

Ako pala ito?

Have you ever been in love? Horrible isn’t it? It makes you so vulnerable. It opens your chest and it opens up your heart and it means that someone can get inside you and mess you up. You build up all these defenses, you build up a whole suit of armor, so that nothing can hurt you, then one stupid person, no different from any other stupid person, wanders into your stupid life…You give them a piece of you. They didn’t ask for it. They did something dumb one day, like kiss you or smile at you, and then your life isn’t your own anymore. Love takes hostages. It gets inside you. It eats you out and leaves you crying in the darkness, so simple a phrase like ‘maybe we should be just friends’ turns into a glass splinter working its way into your heart. It hurts. Not just in the imagination. Not just in the mind. It’s a soul-hurt, a real gets-inside-you-and-rips-you-apart pain. I hate love.


Nang minsang baguhin ako ng isang salita na dati akala ko ganun lang yun ka dali. Binago niya ako ng sobra. Mga gawain na akala ko hindi ko magagawa. Mga imposibleng bagay na nagiging posible. May isang tao na bigla na lang pumasok sa puso ko at binago ang takbo ng buhay ko. Oo,masarap ang feeling. 

  • nagagawa kong ngumiti sa kabila ng mga personal kong problema. Basta alam kong andyan lang siya makakaya ko ang lahat.
  • nagagawa kong mag effort. Kahit na sa tingin ng iba ay imposible. Nagagawa ko pa din para sa kanya.
  • nagagawa kong maging inspired sa pag-aaral kahit na nahihirapan na ako. Iniisip ko na makakaya ko to. Para sa family ko at sa kanya.
  • nagagawa kong maging mas responsable sa lahat ng bagay.
  • nagagawa kong magdagdag ng extra lambing kahit alam ng iba na hindi ako yung tipo ng tao na malambing,pero para sa kanya gagawin ko.

Pero minsan dumadating din sa punto na may pumasok sa puso na minahal ko pero binalewala ako. Pero minsan dahil sa pagmamahal na yan nagiging tanga tayo. Mare-realize na lang natin bigla na tayo din ang masasaktan kung ipagpapatuloy pa natin to. Hindi naman lahat ng relationship na papasukin natin ay may happy ending. Asahan natin na pag sasabak tayo sa ganitong stage ng buhay ay masasaktan tayo at luluha. Pero ako,naniniwala naman ako na meron pa rin dyan na mas karapat-dapat para sa atin. 

Pangako at Pangarap.

Diba dumadating sa punto na magkasama kayong dalawa at bigla nyo na lang mapag u-usapan ang mga pangako niyo sa isa’t-isa. Na hindi niyo iiwan ang isa’t-isa. Na palagi lang kayong andyan. Na magtutulungan kayo sa anumang problema ang dumating. Dumadating din sa punto na iniisip at kahit paano ay pinaplano na ninyo ang future. Pero masakit isipin na bigla na lang naglaho ang lahat ng iyon ngayong hiwalay na kayo. Ganun na lang ba kadali mapako ang mga pangako at pati ang mga pangarap ninyo ay bigla bigla na lang maglalaho?

Binging Puso.

Paano maayos ang isang problema kung sarado ang puso niya na magka-ayos kayo?

Ma pride akong tao. Pero ibinababa ko to once na mahal ko ang isang tao lalo pa’t para magkaayos kami. Pero paano nga ba maayos ang problema kung hindi siya willing na maayos ito? Na binaba mo na ang pride mo pero tinataas niya lalo ang kanya. Hindi ba’t masakit kapag ina-approach mo na siya pero ang tigas pa din niya sayo? Minsan wala na lang akong magawa kundi ang manahimik. Inaantay ko na lang na siya naman ang gumawa ng first move. Pero minsan iniisip ko na lang na sana ikaw ang nasa posisyon ko ng malaman mo kung ano ang nararamdaman ko sa tuwing dinededma mo ako.