Tag Archives: long post

Gusto ko nang mamatay,ayoko na.

“Ayoko ng mabuhay,pagod na ako.”

“Ayoko ng mabuhay,kung lagi naman akong nasasaktan.”

“Ayoko ng mabuhay pa, ayoko na.”

Mgga linyang kadalasan kong marinig sa mga kaibigan kong broken hearted at may family problems. Siguro nasasabi nila ito dala ng sakit at galit na idinulot sa kanila. Siguro dahil sa nahihirapan na sila sa sitwasyon. Pero minsan may mga tao na tinototoo nila ang linyang ito. Literal na ayaw na talaga nilang mabuhay pa at gusto na nilang lisanin ang mundo. Kadalasan kong marinig at maka encounter ng ganitong scenario sa mga love problems. Pero sa puntong ito problema sa pamilya ang dinadaing ng kaibigan ko..

Kahapon lang ay nagkaroon ako ng pagkakataon na makausap ang bestfriend ko. This past few days eh nag-iiwasan kami dahil sa problema namin. Pinalamig namin ang ulo ng isa’t-isa dahilan para mawala kami ng balita sa isa’t-isa. Nagulat na alng ako at bigla siyang tumungo sa kwarto kung nasaan ako at biglang yumakap. Nararamdaman ko na may problema siya. “Best,ayoko ng mabuhay. Pagod na akong unawain ang mga bagay na kahit mismong ibang tao eh nahihirapan unawain.” Pinaliwanag niya sa akin ang lahat. Totoong napakabigat ng problema niya sa pamilya. Kasama pa ang problema niya sa pag-ibig kung saan kabilang ako. Pakiramdam daw niya eh wala na siyang karapatang sumaya. Dahil nagiging walang kabuluhan ang bawat pagsikat at paglubog ng araw sa buhay niya. Syempre naroon ako upang kahit papaano at linawin ang lahat at ipaliwanag sa kanya na mali ang sinasabi niya. Bilang matalik na kaibigan gusto ko siyang bigyan ng payo na makakatulong sa kanya. Akala ko nung ding gabing yon ay nagkaunawaan na kami. Kaninang umaga lang narinig ko na nagsisigawan silang dalawa ng papa niya. Dahil sa magkapit bahay kami at magkadikit lang ang bakuran namin nasusubaybayan ko ang bawat pagdidiskusyunan nilang mag-ama na tila hindi lang ako ang audience nila kundi pati na rin ang mga ususero’t ususera naming kapitbahay. Nasa kwarto ako ng mga oras na yon. Napapaiyak sa mga naririnig kong palitan nila ng sagot. Bigla ko na lang narinig ang papa niya na pinapababa ang baril na hawak hawak ng bestfriend ko. Noon ding yon dali-dali akong lumabas at walang pagdadalawang isip na pasukin ang bahay nila at mangielam. Sobrang takot ko nun nang makita ko sila. Umiiyak ang mama niya habang pilit siyang nilalapitan ng papa niya. Lasing si best hindi pumasok sa school. Ang suspetsa ng mga magulang niya eh naka drugs siya. Natatakot ako. Pero mas natatakot akong mawalan ng mabuti at tapat na mga kaibigan at isa na siya doon. 

BESTFRIEND: Napapagod na ako best,kung mamamatay ako ngayon matitigil na lahat. Hindi na ako mahihirapan. Kung magpapatuloy pa to magiging walang kwenta ang buhay ko.

ME: Tanga ka ba? Akala ko ba nagkaunawaan na tayo kagabi? Ano to? Bakit pati magulang mo pinahihirapan mo pa?

BESTFRIEND: Ako pa may kasalanan ngayon ha? Ako pa nagpapahirap sa kanila gayong ako ang pinahihirapan nila?

ME: Pinahihirapan? Sa anong paraan? Oo alam kong mahirap pinagdadaanan mo kaya lang may solusyon naman diyan. Hindi man natin mahanap ngayon pero may nakalaan diyan para matapos na ang problema mo. Ibigay mo na yang baril kay tito.

BESTFRIEND: gusto ko nang mamatay! Unawain mo na lang ako! 

ME: Gago! Bakit gusto mo nang mamatay ha! Alam mo imbis na maawa ako sayo naiinis ako sayo! Napaka tanga mo! Hindi ikaw yung bestfriend na nakilala ko. Problema lang yan Isac!! Oo alam ko kahit ako nahihirapan magisip kung paano masolusyonan ang problema mo,problema natin. Pero wala kang karapatan magdesisyon kung kelan ka mamamatay! Hiram mo lang yang buhay mo! Hindi ikaw ang magdidikta kung oras mo na ba! Best ang daming tao diyan na maysakit na walang ginawa kundi hilingin sa diyos na sana madagdagan pa ang buhay nila. Tapos ikaw ganyan ganyan lang? Best,ako,maysakit ako,pinagpapasalamat ko sa diyos sa bawat pagsikat ng araw na may nilaan na naman na buhay sa akin. Tapos ganyan lang sasabihin mo? Na gusto mo nang mamatay? Hindi ka bibigyan ni lord ng problema kung di mo kaya yan. Magtiwala ka sa kanya. Nandito ako lalong lalo na pamilya mo. tutulong kami. 

Naliwanagan siya sa pagkakataong iyon. Tunay nga naman na minsan pumapasok sa isipan natin ang mga ganitong linya pero hindi lang problema ang dapat magpatumba sa atin. Lakasan natin ang loob at patibayin ang faith sa panginoon. Sounds too religious pero ito ang tama. Hiram lang natin sa kanya ang buhay at katawan na meron tayo ngayon. Katawan na sa panahon ngayon ay inaabuso lang natin. Wala tayong karapatan na magpasya kung kelan natin gustong lisanin ang mundo. Marami pa tayong obligasyon dito at siya na ang bahala sa atin. Maraming tao ang nakikipaglaban sa sakit nila magkaroon lang ng mahabang buhay. Problema lang yan. Andyan naman ang pamilya at mga kaibigan natin. Faith lang din kay God.

Advertisements