Tag Archives: sabi ni lola

Sabi ng mga matatanda….

wag daw kumanta pag nasa harap ng pagkain kc di daw makakapag asawa…

Grabe lang yan. haha. Eh ako kasi gawain ko yan. Tuwing nagluluto ako habang inaantay kong maluto yung niluluto ko eh ginagawa kong drums yung mga kaldero sabay kanta. Pang paalis ng inip ba. Tapos sinabihan ba naman ako ni lola na wag daw akong kakanta sa harap ng pagkain dahil di daw ako makakapag-asawa. Di naman talaga ako naniniwala sa pamahiin or ano pa man. Wala din namang mawawala kung iiwasan pero jusko kung ganito lang nman na hindi na ako makakapag-asawa dahil lang sa kumanta ako sa harap ng pagkain,oo na sige na magluluto na lang ako ng nakatikom ang bibig ko. haha XD

Advertisements