Tag Archives: gf type

Eh sa ganitong klaseng GF ako eh..

Sabi ng bestfriend ko kakaiba daw ako pagdating sa relationship. Hindi daw ako tulad ng ibang babae. Ewan ko kung bakit niya nasabi yun. Siguro kasi…

  • ako yung klase ng gf na ayokong ma feel niya na sobrang hinihigpitan ko siya sa iba’t-ibang bagay. 
  • hindi ako ganun ka selosa. Nasa sa lugar naman. Mahirap na kasi. Nakakasira din sa relationship yung sobrang selos.
  • ako yung tipo ng gf na ayus lang kung mahilig siya sa iba’t-ibang bagay tulad ng computer gamesor sports. Masaya siya dun eh. Basta alam niya ang obligasyon niya bilang Bf wala akong problema dun.

Hindi naman ako strikto. Kumbaga nasa sa lugar ang lahat. Ako yung tipo ng gf na ayoko ng away kaya kahit sobrang naiinis na ako at alam ko na hindi matatapos ang sagutan namin ako na ang nag so-sorry. Ayoko lang pairalin pa ang pride ko. Sabi ng friends ko,baka siguro kinakaya lang ako ng iba kaya nasasaktan tuloy ako. Ewan, pero ganun ako eh.

Advertisements