Tag Archives: santa klaus

Santa Klaus.

Dati naniniwala ako sa kay santa claus. Kahit 16 years old na ako nun matindi ang paniniwala ko kay santa claus. Kaya lang nagbago yun last year lang. Di ko alam kung matatawa ako o maiinis. Ang gawain ko kasi natutulog ako ng maaga para magising ako ng maaga kinabukasan at mabuksan ang regalo na bigay ni santa. Kaya lang nagising ako bandang 12 ng hating gabi nun. Naihi kasi ako nun tapos biglang nakita kong may tao sa kusina kaya dahan dahan akong sumilip. Langya,nakita ko na nilalagyan nina mama ng regalo yung mga medyas namin ng mga kapatid ko na nakasabit. Hinuli ko sila nun at sobrang gulat nila. Hindi nila alam kung anong sasabihin nila. Natatawa ako nun na may halong inis. Sana hindi nila sinira yung paniniwala ko kay santa claus. Ang naging epekto tuloy nun eh sa mga darating na christmas eh hindi na ako magsasabit ng medyas dahil malaki na daw ako at kilala ko naman kung sino naglalagay nun. haha xD

Advertisements