Tag Archives: friend of mine

Mga Anak ng Rehas.

“I have no idea whether parents can be of help, and I do not blame mine. It was my own affair to come to terms with myself and to find my own way, and like most well-brought-up children, I managed it badly.”

Lumaki ako sa tabi ng mga magulang ko. And until now i know na di ko pa din kaya na mahiwalay sa kanila. Though alam ko na andyan lang sila lagi para sa akin. Si jessa classmate ko nung 3rd year hs ako,hindi kami ganun ka close pero i’m happy na she trusted me especially sa pagkkwento niya about her personal life. Simple girl lang naman si jessa wala siyang close sa mga classmates namin. Nagkaroon lang ako ng bonding time with her nung ginawa ko siyang secretary sa grupo ko in T.L.E. Minsan nakakasama ko siya sa bahay everytime na may reports kami at siya yung laging katulong ko. She told me about her parents. Yung papa niya nakakulong daw kasi nakipag basag ulo tapos may aksidenteng nasaksak. Yung mama naman niya nagkakatulong sa makati. Nagulat lang ako. Nahihiya daw siyang malaman ng mga ka klase naman kaya wala siyang ka close. Naiinggit daw siya nung marinig niya mama ko na pinagsasabihan ako na umuwi ng maaga and nung marinig niya papa ko na sinasabihan akong mag-iingat sa lakad ko. Apat daw silang magkakapatid. Pangalawa siya. Matagal na daw nakakulong papa niya. Matagal daw yun kasi namatay yung aksidenteng nasaksak ng papa niya. Oo,masarap daw na wala kang magulang sa tabi kasi walang nagbabawal sayo na gumala,umuwi ng gabi,manermon,mag-utos. Pero sobrang hirap daw na walang magulang dahil hindi mo na e-enjoy ang pagiging bata. Part na ng pagiging bata ang msermonan ka ng magulang mo. Dahil pag nagka-asawa kana,nandun yung bubukod ka na at may sarili ka ng pamilya. Sa kabila ng mga panenermon nila nandun yung feeling na inaalala ka nila. Yung papayuhan ka pag may problema ka. Kahit matigas ang ulo mo at sobrang pasaway ka,at the end mahal na mahal ka pa din nila. Sila yung mga tao na kahit ano kapa garantisadong tanggap ka nila. Ang buhay ni jessa ay napaka kumplikado. Parehong nasa rehas ang mga magulang niya. Ang tatay niya ay nasa rehas ng mundong tanging mga preso lamang ang nakakakita,habang ang ina naman niya ay nasa rehas ng mundo kung saan ibang pamilya ang pinagsisilbihan niya. At si jessa ang gumaganap bilang magulang sa dalawa pa niyang kapatid,habang ang panganay ay may sariling pamilya na din. Sa isip-isip ko,napaka swerte ko pala. Na kahit ganun ang mga magulang ko,alam kong kabutihan lang ang nais nila para sa akin. Tiyak yun. Ayokong dumating pa sa punto na pag mawala na sila ay saka ko lang malalaman ang halaga nila. Ayoko kasi sobrang sakit nun. Ang swerte ko talaga.

Advertisements