“Pag kaya ko,gagawin ko.”

Marami akong naging experience sa buhay. Nung una akala ko nun di ako makakatapos ng high school. Kasi yung time na yun ang pinaka mahirap sa lahat. Nasanay ako na nasa bahay lang at puro aral lang. Pero nung dumating ang tag hirap sa amin,no choice ako. Panganay eh. Sabi nga ni lola lagi sa akin,“hindi habang buhay eh aasa kayo sa mga magulang ninyo,dahil yan tumatanda na,kaya habang nandyan pa sila,pag-aralan mo na matutong mag trabaho.” Lagi yang sinasabi sa akin ni lola. Masakit sa tenga na kagigising mo alng pero sigawan na nila ang naririnig mo. Kesyo dumating na ang mga bills na dapat bayaran. Ang baon ng mga kapatid ko,ang project ko na di pa nagagawa. Kung anong kakainin bukas at sa mga susunod pang araw. Yung nililimitahan ka sa pag gamit ng kuryente at tubig at pati kinakain mo eh damay na din. Parang kinukwenta lahat ng ginagamit at kinakain mo. Masakit yun. At worst is matawag ka ng magulang mo na “BATUGAN.” Masakit sa akin yon pero at the same time eh naiintindihan ko. Simula nun kahit naiinis ako at naiirita eh nag hanap ako ng trabaho. Mula sa pagigingtindera sa carinderia ng nanay ng kaklase ko hanggang sa pag-aalaga ng mga anak ng kumare ng nanay ko. Nagsimula ang pag pa-part time ko nung 2nd year high school ako. Part time job sa mga kakilala ng mga magulang ko. Mas madali kasing makahanap lalo na’t kaibigan nila. Ang pag pa-part time ko ay umaabot lang sa isa hanggang tatlong buwan. Depende sa napagkasunduan nila. Nung una mahirap,bilang mahiyaing tao eh nahihirapan akong makisalamuha sa iba. Pero natanggap ko na din. Dumating din sa punto na sobrang na enjoy ko na ang pag ttrabaho kaya kahit pinapahinto na ako eh sige pa din ako. Mula sa pagiging kusinera sa kapit bahay namin hanggang sa tindera ng isda sa palengke ng baranggay namin. Sa paunti-unting sweldo ko eh nabibigyan ko ng baon ang mga kaptid ko at pati sarili ko. Minsan ako na nagbabayad ng mga bills namin. Nung naka-angat angat na ng konti, doon naman ako nag trabaho sa tita ko bilang tindera ng damit sa divisoria. At ang huli ay ang pag ta-trabaho ko sa ninang ko sa business niya bilang encoder. Nung nag kwento ako sa mga kaklase ko dati tungkol sa mga naging experience ko,maraming di naniwala,dahil kinaya ko ba daw lahat ng yon. Pero sabi ko na lang,“minsan kasi pag dumating na ang ganong problema sa buhay mo at ng pamilya mo eh hindi mo naman makakaya na mahirapan sila habang ikaw walang ginagawa. Syempre tutulong at tutulong ka.” Kaya nung na ka graduate ako ng high school sobrang saya ko nun. Sobrang sarap magkaroon ng experience na makapagtrabaho kasi matututo ka and at the same time magkakaroon ka ng mga kaibigan. Proud ako sa sarili ko. Period.

Leave a comment